Inamin ng dalaga na 10 years old pa lang siya ay nais na niyang mag-artista ngunit hindi nga ito natupad dahil mas pinili niya ang hiling ng mga magulang na tapusin muna ang kanyang pag-aaral.
Humarap si Atasha sa members ng entertainment media kahapon para sa contract signing niya sa Viva Artists Agency na siyang hahawak at magma-manage sa kanyang showbiz career.
Showbiz royalty, isang “It girl” ng makabagong henerasyon, at ngayon isa na ngang certified Ka-Viva ang kakambal ni Andres Muhlach na anytime soon ay sasabak na nga sa iba’t ibang proyeto na ibibigay sa kanya ng Viva Entertainment head na si Boss Vic del Rosario.
In fairness, hindi naman kataka-taka na magdesisyon din na pumasok sa showbusiness si Arasha matapos maka-graduate sa isang business school sa Nottingham, United Kingdom.
Kagustuhan ng kanilang mga magulang na makatapos muna ng pag-aaral ang kambal bago nila pag-isipan ang pagpasok sa showbiz.
At ngayon nga na graduate na siya, masaya ang Viva na ipinagkatiwala ni Atasha ang pangangalaga ng kanyang showbiz career sa parehong kumpanya na pinagkatiwalaan din ng kanyang mga magulang.
“This was something that I’ve always wanted to do, ever since I was 10 years old when I did the Sound of Music.
“That’s when I realized I really do want to perform, I love to sing, and I just love to make people smile,” pahayag ng dalaga sa presscon na ibinigay sa kanya ng Viva after ng kanyang contract signing.
Bukod sa paggawa ng pelikula under Viva, very soon ay magiging certified recording artist na rin si Atasha, “I personally would really love to try everything. I would like to sing, I would like to dance, I would like to perform, and I really would like to act.
“So I wouldn’t want to close my doors to anything. But as of now, I am just taking it one step at a time. I’m actually planning on releasing a single. It’s gonna be a very happy song. But as of now, we’re still in the talks of things,” sey pa ng dalaga.
Sey naman daw ni Aga sa desisyon niyang mag-artista, “My dad has been nothing but supportive and most caring throughout this whole process, and he’s actually giving me lots of advice to what to expect and, of course, to always be kind to others.”
Bagamat hindi naman bago sa showbiz talaga si Atasha, mas nag-focus muna siya sa paggawa ng commercials at brand endorsements.
Mas nakilala ng mga fans si Atasha sa mga interview, features, at covers ng maraming top publications sa bansa. Ang kanyang debut sa 2022 le Bal de Débutantes sa Paris ay pinag-usapan ng mga tao at nakakuha rin ng malawakang publicity.
Pero sa kanyang pagsama sa VAA family mas makikilala ng mga fans ang kabuuan ni Atasha bilang artista.
Dahil may athletic background din ang dalaga, dali-dalian siyang sumalang sa mga dance workshops, sa mga susunod na buwan ay sasabak din siya sa mga recording projects sa ilalim ng Viva Records, at may mga nakapila na ring mga pelikula para maipakita ang kanyang galing sa pag-arte.
Maraming dapat abangan ang mga fans sa pagdating sa Pinoy showbiz ng isang tunay na showbiz royalty tulad ni Atasha Muhlach.