Mga ‘anak’ ni Comedy King Dolphy muling nagsama-sama sa ‘biglaang reunion’, Vandolph sobrang nami-miss ang yumaong ama
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Dolphy, Claudine Barretto, Vandolph, Gio Alvarez, Smokey Manaloto, Maybelyn dela Cruz at Boy2 Quizon
NAGPASABOG ng good vibes at nag-feeling sentimental ang mga netizens nang muling magsama-sama ang mga “anak” ng yumaong Comedy King na si Dolphy.
Napa-throwback ang mga batang ’90s nang bumandera ang mga litrato nina Claudine Barretto, Smokey Manaloto, Vandolph Quizon, Maybelyn dela Cruz at Boy 2 Quizon sa social media.
Ang lahat ng nabanggit na celebrities ay nakatrabaho at naging anak-anakan noon ni Mang Dolphy sa classic sitcom niya sa ABS-CBN na “Home Along da Riles.”
Sa kanyang Instagram page, ibinahagi ni Claudine ang mga litrato nila ng mga co-stars niya sa classic at top-rating show noon ng Kapamilya Network.
Sabi ng aktres, biglaang reunion daw ang nangyari, “Tatay Dolphy must be so happy seeing all of us together.”
Nag-share rin ang aktor na si Gio ng group photo nila sa kanyang Instagram account. Wala itong caption pero may hashtag na #DaCosmes na siyang apelyido ng mga karakter nila sa dati nilang sitcom.
Sa IG naman ni Maybelyn makikita rin ang group photo ng mga anak-anakan ni Mang Pidol kalakip ang hashtag na #MgaAnakNiKevinAtAzon.
Sa mga medyo nakalimot na o hindi pa aware sa kuwento ng “Home Along da Riles”, ang mga karakter na Kevin at Azon ay ginampanan noon ni Dolphy at ng premyadong veteran actress na si Nova Villa.
Sey naman ng pinakabunso noon sa naturang sitcom, bigla niyang na-miss ang kanyang ama na gumanal ding tatay niya sa “Home Along da Riles.”
* * *
Kwento ng babaeng ikakasal ang nakalahad sa bagong lunsad na awitin ng singer-songwriter na si Angela Ken na pinamagatang “Dambana.”
“It was actually just an unexpected song na nagawa ko kasi naisipan kong gumawa ng brides version ng ‘Pasilyo,’” ani Angela na binanggit ang awitin ng bandang SunKissed Lola na tungkol naman sa damdamin ng isang lalaking ikakasal.
Si Angela mismo ang sumulat ng sentimental ballad na “Dambana” na hatid ang ligaya ng isang nagmamahal. Iprinodyus ito ni ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo at inilabas ng Star Music.
“Ang message lang ng ‘Dambana’ is you know, besides marriage, ang sarap magmahal. Kahit sino, kahit ano ka pa. Masarap magmahal lalo na pag sigurado ka dun sa tao,” dagdag ni Angela.
Kasunod ng paglabas ng kanta ang paglunsad ng music video nito na pinagbibidahan nina Kerwin King at Kiara Takahashi ngayong Biyernes (Hunyo 16), 6pm sa ABS-CBN Star Music YouTube channel.
Patikim pa lang ang “Dambana” sa bagong ‘era’ ni Angela bilang unang kanta sa ilalim ng “Para sa Generation EX.”
Pakinggan ang awiting “Dambana” ni Angela Ken na available na ngayon sa iba’t ibang digital streaming platforms.