SA mga book lover diyan, alam niyo ba kung ano ang pinakasikat na libro sa Pilipinas?
Ito ang “Diary ng Panget 4” na isinulat ni HaveYouSeenThisGirL at inilabas pa noong 2013.
Ayon sa pag-aaral na isinagawa ng word experts ng “WordFinderX,” nakakuha ng 4.53 average rating ang libro na kung saan ito ang naging top-rated book ng bansa at nakuha ang ika-siyam na pwesto sa buong Asia & Oceania.
Ang naging basehan ng mga eksperto upang makuha ang ratings sa bawat bansa ay ang American social cataloging website na “Goodreads.”
“WordFinderX identified the top-rated book in each country by a local author based on the average rating on Goodreads. We only included books with at least 500 ratings,” saad sa isang pahayag.
Para sa kaalaman ng marami, ang Goodreads ay tila social media na ginawa para sa mga bookworm.
Mayroon itong 125 million readers at 3.5 billion na online books mula sa iba’t-ibang bansa.
Baka Bet Mo: Sue Ramirez: Ang ganda-ganda n’yo, walang ginawa ang Diyos na panget
Samantala, ang nangungunang sikat na libro sa Asya ay ang “Arkitek Jalanan” ng Malaysia.
Pangalawa sa pwesto ang “Ramdhari Singh ‘Dinkar’” ng India, sumunod naman ang mula sa Japan na may titulong “Bungo Stray Dogs Manga, #16.”
At ang bumubuo sa top 5 ay ang “Grandmaster of Demonic Cultivation: Mo Dao Zu Shi Vol. 3” ng China, at ang “Tuoi Tho Du Doi” ng Vietnam.
Para makita ang buong listahan, tingnan ang inserted picture sa ibaba.
Related Chika: