APO Hiking Society members Jim Paredes at Boboy Garovillo walang sikreto sa 5 dekadang itinagal sa showbiz: ‘The music will let you live on’
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Jim Paredes at Boboy Garrovillo
MARAMI ang nagtatanong kung ano nga ba ang sikreto ng mga miyembro ng OPM icon na APO Hiking Society at hanggang ngayon ay buhay na buhay pa rin ang kanilang musika.
In fairness naman kasi kina Boboy Garrovillo at Jim Paredes (pumanaw na ang ikatlong miyembro nilang si Danny Javier), until now ay patuloy pa ring humahataw ang kanilang singing career.
Ngayong taon, ipagdiriwang ng Apo Hiking Society ang kanilang 50th anniversary sa pamamagitan ng isang bonggang concert.
Kahit ilang taon na ang nakalilipas ay napapanood pa rin sina Boboy at Jim sa mga concert at special shows at talagang pinapanood pa rin sila ng kanilang mga loyal supporters.
Pero para sa dalawang OPM icon, wala naman daw silang sikreto sa tagal na ng career nila sa entertainment industry dahil naniniwala sila sa kasabihang “the music will let you live on.”
“There’s no secret, the music will let you live on. You’ll just try to do the music. If it’s good, people will listen to it, you will live on. Longevity is connecting to the people,” pahayag ni Boboy sa panayam ng GMA Network.
Sey naman ni Jim, “Parang if you write the music of the soundtrack of their lives, siyempre kasali ka sa buhay nila hanggang tumanda.
“Kapag nag-graduate ka, ‘Saan Na Nga Ba Ang Barkada.’ Kapag barkada, ‘Awit ng Barkada,’” aniya pa.
Dagdag pa ni Boboy, “Kung nalulungkot ka overseas, ‘Kaibigan.’ Bagong panganak, ‘Batang-bata (Ka Pa).’ If you look at all [of] our songs together, if you ask for our longevity, it’s the songs that are living on and we’re just happy to be alive to see it.”
Sabi pa ni Jim sa naturang interview, ngayong limang dekada na ang APO sa music industry, feeling niya ay mas naging confident at creative pa sila ngayon.
“In all honesty, 50 years is just a number. I think on stage, I feel much more confident with our material now and I think we’re even more creative.
“Confident kasi creative pa rin and you’re still trying out new stuff with the audience, and still writing new songs, and everything.
“Usually kapag ganyan, parang you just bring back old memories. We do bring back old memories, but we create new ones as well. So gano’n ang feeling,” sabi pa ng OPM legend.
Narito naman ang tips ng dalawang singer-songwriter sa mga baguhang singer at performer na nagsisimula pa lamang.
“Show up, get as many gigs as you can, learn as much as possible, have a thick face to face disappointment,” sey ni Jim
Sey naman ni Boboy, napakaimportante ng tapang at patuloy na pag-aaral sa lahat ng larangan at hindi raw dapat magpakakampante ang isang singer sa kanyang mga ginagawa.