Timothée Chalamet, Zendaya magtatambal sa bagong pelikula ng ‘Dune’

Timothée Chalamet, Zendaya muling magtatambal sa bagong pelikula ng ‘Dune’

PHOTO: Courtesy Warner Bros. Pictures

MAKALIPAS ang dalawang taon, magkakaroon ng bagong kabanata ang award-winning film na “Dune.”

Pinamagatan itong “Dune: Part Two” na mapapanood sa mga lokal na sinehan sa darating na November 1.

Kalalabas lang ng pasilip ng nasabing war epic action movie at mapapanood na iikot ang istorya nito sa love story ni “Paul Atreides” na pinagbibidahan ni Timothée Chalamet at “Chani”na gagampanan naman ni Zendaya.

Sila ay nasa gitna pa rin ng digmaan at si Paul ay nakatakdang maghiganti sa mga kalaban na sumira ng kanyang pamilya.

Baka Bet Mo: Will Smith sinampal si Chris Rock sa stage ng 94th Oscars: Keep my wife’s name out of your f*ck**g mouth!

Hindi pa man ipinapalabas ang action film ay bumuhos na ang papuri ng ilang netizens.

Narito ang ilan sa mga nabasa naming komento:

“The first one was so “good” that I will wait for this!”

“We definitely have to go see this. Can’t wait!!!”

“Hell…I gotta watch part one again!”

Ang pelikula ay mula sa nobela ni Frank Herbert at ang magsisilbing director nito ay si Denis Villeneuve.

Bukod kina Timothée at Zendaya, tampok rin sa bagong “Dune” sina Rebecca Ferguson, Josh Brolin, Austin Butler, Florence Pugh, Dave Bautista, Christopher Walken, Stephen McKinley Henderson, Léa Seydoux, Stellan Skarsgård, Charlotte Rampling, at Javier Bardem.

Related Chika:

Read more...