Makakasama pa ng award-winning host at “ultimate biyahero” na si Drew Arellano ang kanyang asawa at Kapuso personality na si Iya Villania-Arellano.
Hindi ito dapat palagpasin ng viewers dahil masisilayan sa episode na ito ang pagdiskubre ng Kapuso couple sa pinakamasasarap na Korean dishes, pag-explore sa Korean beauty, at pagbisita sa mga sikat na lugar gaya ng popular na BTS bus stop at isa sa mga film location ng hit K-drama series na “Goblin.”
“We want viewers to have the chance to experience South Korea, most especially maraming Pilipino ang KPop and KDrama fans.
Baka Bet Mo: Iya Villania ipinanganak na ang kanilang baby no. 4 ni Drew Arellano
“Once we air the episode, automatic na iisipin nila na they want to experience what we have shown sa ‘Biyahe ni Drew’ as we will give them options that will be useful when they travel,” pagbabahagi ni Drew.
Mula 2013, nakilala na ang ‘Biyahe ni Drew’ bilang ‘definitive travel magazine show’ sa telebisyon.
Sa 10 taon ng programa, naitampok na nito ang lahat ng rehiyon sa bansa. Nakapaglakbay na rin ang team sa 14 bansa — mula sa mga karatig bansa sa Asya hanggang sa Jordan, Israel, Zimbabwe, at Zambia.
Bilang isang host na game sa lahat ng bagay, nasubukan na ni Drew ang samu’t saring extreme adventures kasama na ang skydiving, free diving, scuba diving, rock climbing, canyoneering, e-foiling, surfing, paragliding, at vertical bivouac climbing.
Nakasalamuha na rin niya ang kalikasan sa iba’t ibang paraan — mula sa paglangoy kasama ang mga pating, butanding, sea turtles, at milyon-milyong sardinas hanggang sa dolphin watching, bat watching, at marami pang iba.
Maliban sa pagtatampok ng must-see places at things-to-do para sa isang biyahe, itinataguyod din ng ‘Biyahe ni Drew’ ang responsible travel, sustainable tourism, respect for local culture, pati ang appreciation para sa locals at hard working members ng tourism industry.
Bilang host ng “Biyahe ni Drew” sa nakalipas na 10 taon, tunay nang nakilala si Drew bilang “ultimate biyahero.”
“I feel proud (bilang ultimate biyahero) because it’s not just me – it’s mostly my team. It’s such an honor to host a travel show for this long, and to experience so many beautiful places, to eat so much good food, and to meet interesting people along the way. If I could do this for another 10 years, that would be awesome,” ani Drew.
Ngayong 2023, local travel pa rin ang pangunahing pinagtutuunan ng pansin ng “Biyahe ni Drew” dahil patuloy ito sa adbokasiyang mapalaganap ang Philippine tourism.
Gayunpaman, dapat ding abangan ng mga biyahero ang pagbisita nila sa Bali, Indonesia para sa budget-friendly at Instagram-worthy cultural immersion. Nakatakda ring bumisita ang “Biyahe ni Drew” team sa Hanoi, Vietnam kung saan sasamahan muli si Drew ng isang surprise celebrity guest.
Panoorin ang “Biyahe ni Drew” tuwing Linggo, 8:15 p.m. sa GTV. Mapapanood din ito ng Global Pinoys sa GMA International Channel, GMA Life TV.
Related Chika:
Markki Stroem super nag-enjoy sa Dubai pero na-bad trip nang pauwi na sa Pinas