Melai Cantiveros tinupad ang pangako kay Kris Aquino, dinalaw sina Josh at Bimb

Melai Cantiveros tinupad ang pangako kay Kris Aquino, dinalaw sina Josh at Bimb
HINDI nakalimutan ng TV host-comedienne na si Melai Cantiveros ang kanyang pangako sa Queen of All Media na si Kris Aquino.

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi ng “Magandang Buhay” host ang kanyang mga larawan kasama ang dalawang anak ni Tetay na sina Kuya Josh at Bimb.

“A very gwapo , sweet , responsible and mature Bimb version na kausap ko kanina at very sweet lagi na very loving kuya Josh,” pagbabahagi ni Melai.

Aniya, talagang na-amaze siya sa maturity na ipinakita ng bunsong anak ni Kris.

“Grabe na amaze ako kuya Bimb sa mga sagot nya habang kausap ko cya , nakakaamaze sila dati kami pa ni Jason matangkad kay Bimb ngayun si Bimb na apakatangkad,” lahad ps ni Melai.

Hindi naman nakalimutan ng Kapamilya host ang ina ng dalawang bata na miss na miss na niya.

Baka Bet Mo: Melai Cantiveros naloka nang makita ang bill ng kuryente; Kim Chiu super proud kay Xian Lim

“Ms Kris we miss you @krisaquino , pagaling ka jan Ms Kris. tinupad ko pramis ko ms Kris na i visit si Bimb at Kuya Josh.

“sana nextime makasama kana nmin dtu sa pinas . Na Amaze and naproud ako Ms Kris sayu bilang momshie kasi ambabait , marespeto and mabuti silang anak sila Bimb and kuya Josh,” sey pa ni Melai.

Nagpasalamat naman si Kris sa ginawa ng Kapamilya host.

“Thank you melai for the effort to visit them,” komento ni Kris.

Marami naman sa mga netizens ang super happy sa ginawang pagdalaw at pagkumusta nito sa magkapatid.

“God bless you Bimb And Josh .melai thank you sa visit at hangang ngayon nahal mo pa din si kris,” saad ng isang netizen.

Komento naman ng isa, “Salute to Miss Kris dahil lumaking mabuting tao mga anak nya.”

“You’re a true friend indeed Miss Melai! Get well soon Miss @krisaquino. So handsome & humble ni Kuya Josh at Bimby…. We Love You… Godbless,” sey naman ng isa.

“You’re a true friend indeed Miss Melai! Get well soon Miss @krisaquino. So handsome & humble ni Kuya Josh at Bimby…. We Love You… Godbless,” sey naman ng isa.

Related Chika:
Melai Cantiveros, Jason Francisco ayaw tantanan ng ‘hiwalayan’ issue, ano nga ba ang totoo?

Kris ayaw maranasan ni Bimby ang mawalan ng tatay kaya suportado ang pag-reach out ng anak kay James Yap

Read more...