MAGING nag dating “Pinoy Big Brother” housemate na si Karen Bordabor ay nagpakita ng suporta sa aktres at social media personality na si Awra Briguela.
Sa kanyang Twitter account ay nagpahayag ito na sana’y mapalaya na ang personalidad matapos ang pagkakaaresto nito dahil sa pagkakadamay sa isang gulo sa labas ng isang bar sa Poblacion, Makati.
“FREE AWRA!!!! When things get sensationalized, the person gets persecuted. Just cause she’s famous doesn’t mean it should be an opportunity to take advantage of it,” saad ni Karen.
Pagpapatuloy pa niya, “She was simply defending her friends. Many brawls happen and they never get arrested. Set her free!!!!!”
Sa kabila naman ng pagkakaaresto kay Awra ay masaya si Karen na marami sa mga kaibigan nito ang naninindigan at nagpapakita ng suporta sa kinakaharap na laban ng dating child star.
“Good for AWRA her friends are speaking up for her as she defended them. Walang iwanan dapat and it’s good they gave the public their story.
“Someone who’s locked up can never defend themselves from public judgement! Uniformed men should dismiss their case!!!!” sey pa ni Karen.
Baka Bet Mo: Karen Bordador: Yung sinabi mo sa buong mundo na taken ka tapos paglabas sa PBB single ka na pala
Tila naiintindihan naman ni Karen ang sitwasyon ni Awra dahil minsan na rin niyang naranasan ang makulong noon matapos madamay sa isang krimen na hindi naman nito ginawa.
“Ang hirap madetain! Hopefully her case is bailable. How about yung nanghipo? Si Awra lang mapansin nila?!?!?
“She will come out of this stronger. Injustice sheds lights to us that change must happen in this country. We cannot allow abuse of power by authorities,” lahad pa ni Karen.
Inilarawan pa nga nito ang karanasan sa loob ng presinto.
Kuwento ni Karen, “Precinct jails are the worst. No food, lots of rats and cockroaches. Plus super tiny! You’re all cramped up in a little cell with so many different personalities.
No idea how Awra’s jail is but I hope she’s safe! Hope her lawyers get her out fast! She doesn’t belong in a cell!”
Sa ngayon ay kasalukuyan pa ring nasa kustodiya ng mga pulis si Awra.
Related Chika:
Awra Briguela may patama kay Skusta Clee: Kapal din nung mukha ng isa dyan
Buhay ni Karen Bordador sa loob ng kulungan ibabandera sa MMK: Kapit lang tayo guys, God is good!