MAKALIPAS ang walong taon, muling bibisita sa ating bansa ang sikat na ‘90s American rock band na “Vertical Horizon.”
Ang kanilang Manila concert ay bahagi ng kanilang “2023 Tour” na magaganap sa July 18 sa SM North Edsa Skydome sa Quezon City.
Kamakailan lang ay nagkaroon ng online press conference ang bokalista ng banda na si Matt Scannell at inamin nga niya na excited na silang makita ang Pinoy fans.
“There’s a very special joy in the Philippines that you don’t necessarily find in other parts of the world and it’s intoxicating, it’s visceral, it’s real,” sey ni Matt matapos tanungin ng BANDERA kung ano ang kinasasabikan nila sa upcoming Manila concert.
Patuloy niya, “I don’t know what it is in the culture but there’s joy, and I guess I’m just excited to experience that joy again, whether it’s just saying hello to someone in the street or singing along with people in the concert.”
Baka Bet Mo: Piolo ibinunyag na may reunion project kasama sina Diether, JLC, Jericho: ‘It could turn into a TV series or movie’
“What you have in the Philippines is very unique, very different to other parts of the world and worth embracing…so I’m just excited to get back there and experience that joy again,” dagdag pa ng bokalista.
Ibinunyag din ng singer ang ilan sa mga sorpresang dapat abangan ng fans sa kanilang concert.
“I think we will probably play a song or two from other bands that we love, that might be the surprise,” sambit niya.
Ang mga magsisilbing opening acts ng concert ay ang PInoy bands na “Autotelic” at “Join The Club.”
Ang tickets ay mabibili sa SM Tickets at Ticketmax na mula P3,500 para sa general admission at P5,500 para naman sa VIP tickets.
Ang unang 50 na makakabili ng tickets ay magkakaroon ng meet and greet bago mag-umpisa ang show.
Related Chika:
Ogie Alcasid nagluluksa sa pagkamatay ng 90s matinee idol na si Patrick Guzman