MUKHANG isa ang Megastar Sharon Cuneta sa mga aabangan ng publiko sa pilot episode ng show ng TVJ sa TV5.
Sa kanyang Instagram post ay ibinandera nito ang moving logo ng TVJ na may logo rin ng TV5. May voice over rin ito na ni Vic Sotto na nagsasabing “Saan man kami dalhin ng tadhana, tuloy ang isang libo’t isang tuwa.”
“See you at Eat Bulaga’s BIGGEST COMEBACK on July 1,” saad ni Sharon sa naturang post.
Sey pa ng Megastar, kung wala daw ang kanyang Daddy Tito na siyang itinuturing niya bilang pangalawang ama at na siyang naka-discover sa kanya ay hindi siya magiging mang-aawit.
Pagpapatuloy pa ni Sharon, kung wala naman daw si Vic Sotto ay hindi na siya magkakaroon pa ng iba pang memorable hits matapos ng Mr. DJ.
Baka Bet Mo: Pang-iisnab ni Barbie Imperial kay Sharon Cuneta fake news: ‘I haven’t even seen you in person…’
Dagdag pa niya, kung wala naman daw si Joey de Leon ay maliban sa iba pang memorable hits niya ay wala siyang magiging co-host sa kanyang sariling show na “The Sharon Cuneta” mula 1986 sa IBC hanggang 1988 sa ABS-CBN.
“I have a 44-year history with eat-bulaga — I used to appear there regularly starting in their first home, RPN 9,in my St. Paul uniform without makeup!
“As much as I love my ABS-CBN Kapamilya, I could NEVER NOT give importance to my eat-bulaga family,” sey ni Sharon.
Aniya, inirerespeto niya ang kanyang home network simula nang maging Kapamilya siya noong 1988 ngunit bago pa man daw ito ay naging baby na siya ng “Eat Bulaga”.
“Wala pang legit dabarkads o si @iceseguerra sa Little Miss Philippines sa eat-bulaga noon, ako na ang baby nila!
“And I will be there for them whenever they call me.It’s PAYBACK TIME, which is how it forever will be for me towards eat-bulaga!No one can ever put a beloved institution down,” hirit pa ni Sharon.
Related Chika:
Vice Ganda sa bangayan ng TVJ at TAPE: Parang tayo ‘yung casualty