ISANG animated film na swak sa mga bata at “kids at heart” ang palabas na ngayon sa mga lokal na sinehan!
Ito ang “Ruby Gillman, Teenage Kraken” na tungkol sa mga sirena at sea monsters.
Pinagbibidahan ‘yan ng American actress at “To All The Boys” star na si Lana Condor under Universal Pictures at DreamWorks Animation.
Ang pelikula ay iikot sa istorya ng isang 16-year-old teen na si Ruby Gillman na walang kamalay-malay na siya ay isang “kraken,” isang legendary sea monster na mala-higanteng pugita o octopus.
Mapapanood pa nga sa trailer na pinagbabawalan siya ng kanyang ina na lumapit at lumusong sa dagat.
Baka Bet Mo: Bagong animated film ng ‘Spider-Man’ aprub sa mga kritiko: ‘It raised the bar with its unique animation style!’
Ngunit dumating ang araw na kailangan niyang suwayin ang number one rule ng ina upang iligtas sana ang kanyang kaibigan at dito niya natuklasan ang tunay niyang pagkatao.
Si Ruby pala ay tagapagmana ng trono ng kanyang lola na isang Warrior Kraken Queen.
Base sa takbo ng kwento ng animation film, ang krakens ang tagapag protekta ng karagatan laban sa mga sirenang uhaw sa kapangyarihan at isa na riyan ang popular girl mula sa eskwelahan ni Ruby na si Chelsea.
Ipinagmalaki ng presidente ng DreamWorks Animation na si Margie Cohn ang bagong animated film dahil tungkol daw ito sa “teen empowerment” at “girl power.”
“The film is an intergenerational story that taps into the cultural chorus surrounding teen empowerment,” sey ni Margie sa isang pahayag.
Ani pa niya, “We feel that Ruby Gillman, Teenage Kraken, has the potential to become the girl-power movie, and, we hope, a touchstone for the generations of girls still to come.”
Bukod kay Lana, tampok din sa “Ruby Gillman, Teenage Kraken” ang mga boses nina Oscar nominee Toni Collette, Academy Award winner Jane Fonda at Emmy winner Annie Murphy.
Supporting cast naman sina Emmy winner Colman Domingo, Emmy nominee Sam Richardson at Blue Chapman.
Related Chika:
Lana Condor tampok ang boses sa bagong animation film na tungkol sa mga sirena, sea monsters