David Licauco sa viral ‘stolen shot’ ni Barbie Forteza: ‘Hindi mo na kailangang umawra kasi maganda ka na’
By: Ervin Santiago
- 1 year ago
David Licauco at Barbie Forteza
VIRAL at talagang pinusuan nang bonggang-bongga ng mga fans ang stolen shot ni Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza na kuha ng kanyang ka-loveteam na si David Licauco.
Naghatid ng good vibes ang nasabing litrato na ipinost ni David sa kanyang Twitter kung saan makikita si Barbie na tumatawa habang nasa sa isang yate.
Ni-repost naman ito ng girlfriend ni Jak Roberto kung saan sinabi niyang hindi raw siya nakaawra dahil sa panunukso ni David habang kinukunan ang litrato.
Ang caption na isinulat ni Barbie sa kanyang tweet, “Pano kasi aawra ng ayos kung ang sinasabi ng photographer, ‘ganda ganda naman.'”
Ang nasabing candid shot ay kinunan ng tinaguriang Pambansang Ginoo sa set ng upcoming movie nila ni Barbie na “That Kind of Love.”
Kuwento ni David sa panayam ng GMA Network about the viral stolen shot, “Nakita ko siya na nakaupo doon and ang ganda ng view. Ako kasi, mahilig ako sa sunset and sa view. Sabi ko lang sa kanya, ‘Can I take a picture of you?'”
Aniya, hindi raw naman siya nanunukso nang kunan niya ng picture si Barbie, “Totoo naman din kasi ‘yun na maganda nga siya.
“Sabi ko na lang na act normal lang kasi mas maganda ‘yung natural. Hindi na niya kailangan umawra.
“Sabi niya kasi hindi daw siya makaawra. I said, ‘Hindi mo na kailangan umawra kasi maganda ka naman na,'” sey pa ni David.
Samantala, abangers na ang mga fans ng Kapuso loveteam sa kanilang launching movie na “That Kind of Love” na kinunan sa Pilipinas at South Korea.
Bukod dito, anytime soon at sisimulan na rin ang kina Barbie at Davie ang bago nilang teleserye sa GMA 7. Chika ng aktor, siguradong masa-shock ang kanilang supporters sa magiging role niya.
“Usually, lahat ng roles ko, rich kid na negosyante and all that. Ngayon, it’s a different kind of David. I would say, ito na siguro ‘yung pinaka challenging role ever,” ang pahayag pa ni David.