Alden Richards pasok na sa mga anak-anakan ni Sharon sa showbiz: ‘We are now so bonded, and my three younger children now have a Kuya!’

Alden Richards pasok na sa mga anak-anakan ni Sharon sa showbiz: 'We are now so bonded, and my three younger children now have a Kuya!'

“MA” na ang tawag ni Alden Richards kay Sharon Cuneta kahit off-camera dahil ‘my son’ naman na ang tawag ng Megastar sa aktor na unang beses niyang makatrabaho sa pelikulang “A Mother and Son Story”.

Mag-ina ang karakter ng dalawa at base sa mga kuwento ng aktres ay masaya ang vibe sa shooting nila at nakakapag-Instagram live siya habang ikinukuwento ang mga nangyayari sa set.

Pinost ni Sharon ang old video interview ni Alden noong Hulyo 2021 na nagsabing isa siya sa gustong makatrabaho ng aktor.

Base sa panayam ng aktor, “Sharon Cuneta. I’ve seen quite a lot of her films kitang-kita kop o kasi kung paano ‘yung take niya especially sa mother roles ramdam na ramdam mo like the past na siya po ang bida. Parang ang sarap-sarap rin kung (makasama) siya ang nanay ko sa any possible projects.”

At hindi naman nabigo si Alden dahil pagkalipas nang dalawang taon ay heto nga at ka-trabaho na niya ang Megastar at nanay niya ito sa “A Mother and Son Story” na intended for Metro Manila Film Festival 2023 under Cineko Productions at si Nuel Naval ang direktor.

Nang ialok sa aktor ang pelikula ay talagang hindi na niya ito pinakawalan pa at lahat ng schedule niya ay pina-adjust niya para ma-accommodate ang pelikulang pagsasamahan nila ng isa sa pangarap niyang artista.

Baka Bet Mo: Sharon, Alden sumabak na sa shooting ng ‘A Mother & Son’s Story’, wish ng fans: ‘Sana makapasok sa MMFF 2023!’

Sa parte naman ni Sharon ay um-oo na rin siya kaagad nang malaman niyang ang binata ang magiging anak niya sa pelikula at hindi pa niya alam na pangarap siya ng aktor na makasama.

Ang caption ni Shawie sa video interview ni Alden kasama rin ang mga larawang kuha sa set ng “A Mother and Son Story”.

“Alden said this in 2019! Ngayon ko lang nga nakita ito nu’ng sinend nya sa akin. It has been a long time since I did a movie like ours (A Mother & Son’s Story) – simple and straightforward, funny and touching and just all-around feel-good!

“And it has been some time since I last “fell in love” with a co-star in a movie. @aldenrichards02 and I talked lengthily for the first time only when we did workshops for this new project, and were both amazed at how much we had in common that I might as well have given birth to him!

“We are now so bonded, and my three younger children now have a Kuya! In our scenes together, it is so very easy to call up emotions because he truly is like my own son.

“God never fails to surprise me – this year He out of the blue brought me and Alden together and I cannot be more thankful. I love Alden so truly and sincerely and still cannot believe how very similar we are! (emojis 3 hearts). We are a bit sorry that you might get to watch our movie in December pa – but we feel that December would be the perfect time to show you our little gift – the Christmas season being a time for family and love! Hang in there – we promise it will be worth the wait!”

Nag-comment naman kaagad ang binata at sinabing, “Love you ma.”

Sabi naman ni @reallysharoncuneta, “[Alden] I love you so much my son. Di na tayo talaga maghihiwalay kahit tapos na ang movie natin. Ako na talaga Mama mo!”

Sagot ni @aldenrichards02, “@reallysharoncuneta for keeps ma thank you for everything.”

Dumarami na ang anak ni Shawie, may action star, si Coco Martin, dramatic stars sina Miles Ocampo at Julia Montes at heto, dramatic actor, si Alden.

Related Chika:
Sharon nakatagpo ng ‘kuya’ para sa 3 anak sa katauhan ni Alden Richards: ‘He truly is like my own son’

Alden Richards sinagot kung bakit nag-leave noon sa ‘Eat Bulaga’, super grateful sa programa

Read more...