NAGPAKITA ng resibo ang social media personality na si Toni Fowler na kahit hindi na sila magkakasama sa iisang bubong ng ama ng anak ay patuloy ang pagbibigay nito ng suporta.
Sa kanyang Facebook page ay ibinandera nito ang screenshot ng kanilang pag-uusap ukol sa paghingi ng bank details ni Tatay Elon sa kanya para sa pagbibigay ng sustento nito sa kanilang anak.
“Tyronia lab ka ng tatay mo oh,” saad ni Toni sa kanyang caption.
Marami naman sa mga netizens ang humanga sa pagiging responsableng ama ni Tatay Elon.
“Kung ganito lng sana papa ng panganay ko edi okay sana kame hehe sana all nalang momi toni,” saad ng isang netizen.
Comment naman ng isa, “Mapapa Sana all nalang talaga. Sana lahat ng tatay kayang ibigay lahat ng needs ng anak.”
“Da best yan at least ngayon na meron na sya bumabawi sya kahit papano Toni Fowler,” sey naman ng isa.
Baka Bet Mo: Anak ni Toni Fowler na si Tyronia umiyak, hiniling na si Tito Vince na lang ang ama
Matatandaang ibinahagi ng social media personality sa isa sa kanyang vlogs na kasalukuyang nagtatampo si Tyronia sa kanyang ama.
Ito ay matapos magdesisyon si Tatay Elon na bumukod na mula sa matagal na pananatili sa poder nina Toni at ng ToRo family.
Iniisip kasi ng bata na tila iniwan siya ulit ng kanyang ama at parang nabalewala siya rito.
Naiintindihan naman ni Tatay Elon ang anak at sumang-ayon kay Toni na hayaan muna ang anak na maramdaman kung anong dinadamdam nito.
Sa kabila nito ay nangako naman si Tatay Elon na patuloy nitong ipaparamdam ang pagmamahal sa anak at madalas itong dadalawin upang hindi rin mangulila sa kanyang mga kapatid.
Related Chika:
Toni Fowler umaming ‘naadik’ sa pagpaparetoke: Hangga’t safe at kaya ng katawan…