Kaladkaren game na game ‘makipaghigupan’ kay Joshua Garcia: ‘Laban kung laban!’
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Kaladkaren
IN FAIRNESS, mula nang magwaging Best Supporting Actress sa 1st Summer Metro Manila Film Festival last April para sa pelikulang “Here Comes The Groom”, nagsunud-sunod na ang mga bonggang projects ni Kaladkaren.
Isa na nga riyan ang pagpirma niya kahapon ng kontrata sa talent management arm ng ABS-CBN na Star Magic na nasaksihan namin at ng iba pang miyembro ng entertainment media.
Naging emosyonal pa nga si Kaladkaren o Jervi Li sa tunay na buhay, habang nagbibigay ng kanyang mensahe bilang isang certified Star Magic artist na ngayon.
Matapos gumawa ng history bilang first ever transwoman na nagwaging Best Supporting Actress sa Summer MMFF, hindi na rin mapigilan ang pagbongga ng kanyang TV at movie career.
Sabi ng impersonator ng veteran broadcast journalist na si Karen Davila, hindi niya inakalang mararating niya ang estado na kinalalagyan niya ngayon kaya naman todo ang pasasalamat niya sa lahat ng taong nagmamahal at nagtitiwala sa kanya.
At bilang bahagi na ngayon ng Star Magic, mas magiging busy pa si Kaladkaren sa mga susunod na buwan at taon dahil sa mga naka-line-up niyang projects.
Bukod sa pagiging segment host sa TV5 news programa na “Fronline Pilipinas” at gagawa rin siya ng isang teleserye at pelikula. May gagawin din daw siyang isang reality show very soon.
Sa naganap na presscon ng Star Magic para kay Kaladkaren ay natanong namin siya kung sinu-sino sa mga male celebrities ang gusto niyang maka-partner.
Ilan sa mga nabanggit niya ay sina Gerald Anderson, Jake Cuenca at Zanjoe Marudo dahil ito raw ang mga kaedaran niya.
“Siyempre, hindi naman ako para mag-Seth Fedelin pa! May kapatid kasi akong 22 years old, so parang awkward naman kung ganu’n kabata ang makakatambal ko,” natatawang chika ni Kaladkaren.
“Siguro, Joshua Garcia, mga ganyan, puwede-pwede na. Saka nakita ko kung ano ‘yung ginawa niya kay ate Jodi (Sta Maria) du’n sa ‘Unbreak My Heart,’” sabi ng aktres.
Sundot na tanong namin kung gusto rin niya ang mga higupan scenes nina Joshua ata Jodi? “Parang kaya kong lumaban sa higupan, parang ganu’n, masaya naman.
“Saka aktor talaga si Joshua, feeling ko kung makaka-partner ko siya, matsa-challenge rin ako bilang isang aktres. Laban lung laban,” sey pa ng TV host.