Michelle Dee ibabandera ang LGBTQ flag kapag rumampa sa Miss Universe, super push sa SOGIE Equality bill: ‘I feel na malapit na malapit na tayo’

Michelle Dee ibabandera ang LGBTQ flag kapag rumampa sa Miss Universe, super push sa SOGIE Equality bill: 'I feel na malapit na malapit na tayo'

Michelle Dee

MAY binitiwang pangako si Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee sa harap ng libu-libong miyembro ng LGBTQIA+ community sa naganap na selebrasyon ng Pride Month nitong nagdaang Sabado ng gabi.

Isa ang Kapuso star sa mga sikat na celebrities na nakiisa at nakisaya sa napakabonggang “LoveLaban” Pride Month celebration na nangyari sa Quezon City Memorial Circle na dinaluhan ng 110,000 katao.

Ayon kay Michelle, na umaming isa siyang bisexual last May 29, tuloy ang pakikiisa niya sa lahat ng mga ipinaglalaban ng kanyang mga kapatid sa LGBTQ.


Kabilang sa mga isinusulong nila ay ang pagsasabatas ng Sexual Orientation Gender Identity and Expression (SOGIE) Equality Bill na magpapatibay sa patas na pagtrato at pagpapahalaga sa LGBTQIA+ community.

“This is the first time that I am celebrating Pride after coming out as bisexual. So, it feels so good to finally be home with all of you,” ang bahagi ng speech ni Michelle sa

Dahil sa mainit na pagsuporta sa kanya ng mga proud members ng LGBTQ, nangako si Michelle na hindi lang ang bandera ng Pilipinas ang bibitbitin niya sa paglaban sa Miss Universe Philippines 2023 pageant.

Baka Bet Mo: Red flag yarn: Slater Young binanatan sa naging reaksyon tungkol sa mga lalaking nagpapantasya ng ibang babae kahit may dyowa na

Iwawagayway din niya ang rainbow flag ng LGBTQIA+ community, “I know that no matter where we go, we will always raise our flag, and I hope you all know na pagpunta ko sa El Salvador, I won’t just be raising the Philippine flag, but I’ll also be raising the LGBTQIA flag.

“Pride Month is about being proud of how far we’ve come, and I’m so, so proud of us. Like I said, we are too big, we are too loud, and we are too united to be ignored. I’m just so proud to finally be here, with all of you,” pahayag pa ng Kapuso actress-beauty queen.


Mensahe pa niya, “You know, we have yet to live in a universe that really believes in full equality. But we are on the way, I feel na malapit na malapit na tayo.”

Matatandaang unang inamin ni Michelle ang tungkol sa tunay niyang pagkatao sa isang magazine. Aniya, attracted siya sa “all forms of beauty, all shapes and sizes.”

“I want to come out with this story because I know that those photos were spread with malicious intent — to kind of distract me, make me feel I’m not worthy of the crown.

“I acknowledge that it was so malicious that I felt, and this applies to everyone, when somebody takes away your story, then you should take control of that narrative. Turn it around and make it an empowering story,” pahayag pa ng anak ng aktres at dati ring beauty queen na si Melanie Marquez.

Bukod sa titulong Miss Universe Philippines 2023, nakipaglaban din siya Miss World 2019 kung saan umabot siya hanggang Top 12.

Luis, Jessy alam ang socmed password ng isa’t isa; salitan sa pagbabayad kapag nagde-date

Ice Seguerra kinalampag ang senado ukol sa SOGIE Bill: Tama na ang delaying tactics!

Read more...