ISA sa tinitingala at respetadong artista sa mundo ng showbiz industry ay ang award-winning actor na si Tirso Cruz III.
Ano nga ba ang sikreto niya sa matagumpay na pag-arte?
Ibinunyag ‘yan mismo ng batikang aktor sa isang exclusive online interview ng GMA.
“Ako kasi actually, in reality, every role for me is a distinct role,” sey niya.
Paliwanag pa niya, “Every role is different kasi I try as much as possible na pag may ibinigay na role sa akin, I try to look for a different attack to it.”
Baka Bet Mo: Dingdong Dantes ibinuking ang ugali ni Tirso Cruz III; ‘Voltes V: Legacy’ ng GMA 7 extended sa mga sinehan
“Kahit na, sabihin mo nang kadalasan kasi ang ibinibigay sa aking role ngayon ay medyo black or gray matter ako, so syempre mahirap maghanap ng… kasi kapag hindi mo iningatan magkakapareho itsura nung gagawin mo,” patuloy niya.
Dagdag pa niya, “So ang challenge is how to differentiate each character that you play as much as possible para mailayo mo sa last character or past few characters na ginawa mo.”
Ibinahagi rin ng veteran actor ang nagiging motibasyon niya upang lalo pang galingan sa bawat proyekto na kanyang natatanggap.
“Once upon a time, there was a senior actor na nagsabi sa akin, ‘Wag mong isipin na gusto mong talunin ‘yung kapwa mong artista. Ang talunin mo, ang sarili mo’,” sambit niya.
Ani pa niya, “Kumbaga, kung ano ‘yung ginawa mo nung huli, kailangan i-better mo ‘yun.”
Tampok ngayon si Tirso sa murder mystery drama series ng GMA na pinamagatang “Royal Blood.”
Ang kanyang role ay bilang ama ng kapwa-aktor na si Dingdong Dantes.
Ang nasabing teleserye ay tila nagsilbing mini reunion nina Tirso at Dingdong makalipas ang mahigit isang dekada.
Unang nagkatrabaho ang dalawang premyadong aktor sa seryeng “Sana ay Ikaw Na Nga” noong 2002.
Nagkasama rin sila sa hit series na “Endless Love” taong 2010.
Related Chika: