Neri Miranda gumawa ng weekly meal menu para mapadali ang buhay ng mga nanay, pero sey ng netizen: ‘Para lang yan sa mapepera’
By: Ervin Santiago
- 1 year ago
Neri Miranda
IBA-IBA ang naging reaksyon ng mga netizens sa ibinahaging “tulong” ng aktres at matagumpay na negosyanteng si Neri Miranda para sa mga nanay.
Gumawa kasi ang wifey ng Parokya ni Edgar vocalist na si Chito Miranda ng listahan ng mga pagkain na pwedeng gawin at lutuin ng mga nanay para sa kanilang pamilya, lalo na sa mga nag-aaral nilang mga anak.
‘Sa pamamagitan ng kanyang Instagram account, ipinost ni Neri ang ginawa niyang menu na pwedeng-pwedeng ihanda at ihain ng mga ilaw ng tahanan sa loob ng isang linggo.
Makikita sa nasabing menu ang mga pagkain na maaaring i-prepare para sa breakfast, lunch, merienda at pati sa dinner.
Sey ni Neri sa caption, “Sa mga gising pang mga nanay at nag iisip kung ano ang weekly meal menu.
“Wag na kayong mag-alala, bigyan ko kayo ng idea para di na mahirapan pa. Sinamahan ko pa ng listahan pamalengke at grocery, hehe!
“Ang di lang kasama yung budget.
“Edit: nababasa ko comments nyo, hayaan nyo po gawa ako this week ng budgeted weekly menu.
“Mga magkano po ba per day ang budget nyo para makapag gawa po ako ng ganung menu. Wag muna now, antok na ako eh,” sabi pa ng asawa ni Chito na tinaguriang wais na misis.
Narito naman ang mga reaksyon na nabasa namin sa comments section ng IG post ng aktres.
“Sa mga mapepera lng yan tulad nyo, kmi masaya na sa scramble egg with tig 2 pandesal at kape sa breakfast, at kung ano ulam sa tanghalian yun na din sa hapunan pero lagi pa din nagpapasalamat sa Diyos at hindi nagugutom.”
“Idol kita miss neri and i love this planning tips of yours kaya lang po, warning lang po sana. Kasi medyo madalas po kayo nagpprocess meat (hotdog, spam, etc). Masama po kasi sa health yung mga yun. Pwede nyo po iresearch. Concerned lang po. No hate. God bless!”
“Hi Mrs. Neri ! Sana keri mabili yan sa budget na 100 petot a day. pero soon. Mas gagalingan pa namin mag asawa . Para mas malaki na budget namin for daily basis.”
“I love that tinola is included twice in this weekly menu. si Mama ko every other night lalo na kapag maulan.”
“Isa sa pinakamahirap na trabaho ng mga nanay, magisip ng ulam.”
“Oh this is what I neeeeeddd, you made my life so easy for the coming week.”
“Gawa ka ng meal na 150 per day, breakfast lunch at dinner na, para sa mga hirap na budget, pls!”
“Itatanong ko sa Mama ko bakit dito pwede monggo pag wednesday. Samin kasi tuwing friday lang.”
“Hay salamat for this! Nakakaloka mag isip and ano ba pwede combination sa everyday meals.”
“Ba’t walang seafoods masyado? Puro processed foods pa karamihan. Sarap para run organic.”