LPA nagbabadyang pumasok sa bansa ngayong araw –PAGASA

LPA nagbabadyang pumasok sa bansa ngayong araw –PAGASA

PHOTO: Facebook/Dost_pagasa

INAASAHAN na papasok sa ating bansa ang isang Low Pressure Area ngayong araw, June 25.

Huli itong namataan sa may silangang bahagi ng Mindanao at hindi pa nagdudulot ng mga pag-ulan.

Sinabi rin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na hindi pa ito inaasahang magiging isang ganap na bagyo sa mga susunod na araw.

“‘Yung LPA na mino-monitor natin sa labas ng ating Area of Responsibility ay huling namataan sa layong 995 kilometers east northeast ng Mindanao,” sey ni Weather Specialist Grace Castañeda sa isang press briefing kaninang umaga.

Dagdag pa niya, “Wala po itong direct effect sa anumang bahagi ng ating bansa at posible itong pumasok ng ating Area of Responsibility ngayong araw.”

“But two to three days, nakikita natin na mababa ‘yung tiyansa nito na maging bagyo, ngunit continues monitoring pa rin po tayo at hindi natin inaalis ‘yung posibility na ito ay ma-develop [sa bagyo],” ani pa ni Castañeda.

Baka Bet Mo: PAGASA: 10 hanggang 14 na bagyo ang aasahan sa bansa ngayong taon

Sa ngayon, ang weather system na Intertropical Convergence Zone (ITCZ) ang nagpapaulan sa ilang lugar ng ating bansa.

“Patuloy pa ring umiiral ang Intertropical Convergence Zone or ITCZ dito sa bahagi ng Southern Luzon, Visayas at Mindanao kung saan ngayong araw magdudulot pa rin ito ng pag-ulan,” sambit ng weather specialist.

Asahan ang mga pagkulog at kalat-kalat na mga pag-ulan sa Quezon, MIMAROPA, Bicol Region, Visayas, Dinagat Islands, at Surigao del Norte.

Mararanasan naman ang panaka-nakang pag-ulan sa Metro Manila at sa nalalabing bahagi ng bansa.

Read more:

#KiligToTheBones: CocoJuls supporters nagbubunyi sa pagpasok ni Julia sa ‘Ang Probinsyano’

Read more...