Pokwang sa mga kumontra sa titulo niyang Mrs. Universe Queen Celebrity Icon: ‘Kung ‘di ako sino? Kung ‘di ngayon kailan? Katarungan para kay ka Dencio!’
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Pokwang
WINNER ang bwelta ni Pokwang laban sa mga kumukuwestiyon sa ibinigay na titulo sa kanya ng Mrs. Universe Philippines Organization bilang 2023 Mrs. Universe Queen Celebrity Icon Ambassadress.
Marami ang kumontra kung bakit sa kanya raw ibinigay ang titulong Mrs. Universe Queen Celebrity Icon Ambassadress ngayong taon.
Unang-una raw ay never pa naman daw naging misis ang komedyana dahil hindi sila kasal ng dati niyang karelasyon na si Lee O’Brian, kaya hindi umano ito deserving sa nasabing titulo.
Sa kanyang Instagram account, nag-post si Pokie ng kanyang video suot ang bonggang red gown with her sash and crown bilang 2023 Mrs. Universe Queen Celebrity Icon Ambassadress.
Makikita rito ang pagrampa niya sa labas ng GMA Studios na may caption na, “Sa mga nag que Question bakit daw ako? Kung di ako sino? Kung di ngayon kailan? Katarungan para kay ka Dencio!!! (laughing emojis).”
Ang caption ni Pokwang ay hango sa dialogue ng Star for All Seasons na si Vilma Santos sa classic at award-winning movie niyang “Sister Stella L.” na ang original linya ay, “Kung hindi tayo kikilos, sino ang kikilos? Kung hindi ngayon, kailan pa? Katarungan para kay Ka Dencio!”
Pinusuan at ni-like ito ng mga netizens at ng mga kaibigan niya sa showbiz kabilang na ang premyadong veteran actor na si John Arcilla na tawang-tawa raw sa IG post ni Pokie.
“(Heart emoji) Tumbling ako sa caption Powk! Taena, walang kayang lumampas sa yo! Panalo! (two hands up, fire emojis). GRRRRRRROOOWL! Labyu!”
Reaksyon naman ni Pokwang sa hirit ni John, “@johnarcilla bwahahahaha love you!!!”
Bukod kay Pokie, napili rin ng Mrs. Universe Philippines Organization si Andrea del Rosario bilang Mrs. Universe Philippines Tourism 2023, habang Mrs. Universe Philippines Classic 2023 naman si Jean Saburit.