TXT, Jonas Brothers nagsanib-pwersa, maglalabas ng collab song sa July 7

TXT, Jonas Brothers nagsanib-pwersa, maglalabas ng collab song sa July 7

PHOTO: Twitter/@TXT_members

MAGSASAMA ang K-Pop group na TOMORROW X TOGETHER (TXT) at ang American pop rock band na Jonas Brothers!

Magkakaroon sila ng collaboration song na pinamagatang “Do It Like That” na nakatakdang ilabas sa July 7.

Sa social media, ibinandera ng talent agency na BIGHIT MUSIC ang concept photo ng collab, pati na rin ang pasilip sa music video ng inaabangang single.

Kasabay niyan ay nag-post din ang dalawang grupo sa kanilang social media accounts.

Baka Bet Mo: Gerald Anderson, Kylie Padilla magsasama sa bonggang project; wagi ang chemistry sa BTS ng pictorial

Proud na ibinahagi ng TXT ang litrato nila kasama ang American band kalakip ang caption na, “1 of many selfies.”

Nag-post naman ng kwelang video ang Jonas Brothers kasama ang K-Pop group.

Wika pa nila sa caption ng post, “Excuse me?”

Para sa mga hindi pa masyadong aware, ang TXT ay nagsimula noong 2019 at binubuo ng mga miyembro na sina Yeonjun, Beomgyu, Soobin, Huening, at Taehyun. 

Ilan sa mga sikat nilang kanta ay ang “0x1=LOVESONG (I Know I Love You),” “Run Away,” “Ghosting,” “Frost,” at marami pang iba.

Ang Jonas Brothers naman ay binubuo ng magkakapatid na sina Kevin, Joseph (Joe), at Nick. 

Ang nasabing banda ay unang naglabas ng album noong 2006 na may titulong “It’s About Time.”

Nakilala ang trio dahil sa mga hit song nila na “Only Human,” “Cool,” at “What a Man Gotta Do.”

Related Chika:

AJ Raval, Angeli Khang patalbugan sa hubaran at churvahan; nakipag-threesome kay Kiko Estrada

Read more...