Mariel Padilla hindi alone sa bakasyon sa France, nakipag-bonding sa ama at kapatid

Mariel Padilla hindi alone sa bakasyon sa France, nakipag-bonding sa ama at kapatid
NANG mag-post si Mariel Padilla ng, “My first trip in 7 years… JUST ME. Awwww bittersweet without my kids was able to have champagne, sleep and eat. Hehehe thank you babe @robinhoodpadilla for encouraging me to have this trip.” ay hindi kami naniwala dahil alam naming may kasama ito lalo’t sa Paris, France pa ang destinasyon niya.

Kaya tinanong namin siya ng, ‘Alone time in Paris? Why po alone and why Paris napili mo?’

Sinagot kami kaagad ni Mariel ng, “Hindi naman talaga alone ehhehehe.”

Sabay pinadalhan kami ng larawang kasama ang Ate Kaye Rodriguez-Garcia at Daddy Abelardo Termulo together with the fiance ng dad habang nasa isang fancy restaurant sila sa Paris.

Nabanggit naming hindi nga kami naniwalang mag-isa siya at base sa larawan ay bonding moments nilang mag-aama plus meeting with her dad’s fiancée kaya sa Paris sila nagpunta.

Baka Bet Mo: Mariel Padilla magastos na raw bago pa maging senador si Robin: ‘Excuse me! Sobra kong sipag para sabihin n’yo na huwag akong mag-shopping!’

Aniya, “No matagal na namin siya na meet ehehehhehe. We like her ehhehehehe.”

Parang barkada lang nina Mariel at Kaye ang magiging wife ng daddy nila na kaagad namang sinang-ayunan ito ng una.

Bonding cum vlog ang purpose ng asawa ni Robin sa pagpunta nilang pamilya sa Paris dahil lahat ay kinukunan niya with background music na La Vie En Rose at mapapanood ito sa kanyang YouTube channel

Mala-Emily in Paris ang target ni Mariel na magsuot ng colored sexy outfit pero hindi naman puwede dahil sa pagkakaalam namin ay ayaw ni Robin ng mga pa-sexy.

Related Chika:
Mariel Rodriguez ‘feeling mayor’ nang maging senador si Robin: Kasi minsan hindi siya puwede may kailangan siyang tanggapin, ako taga-tanggap

Mariel Padilla nag-solo sa bakasyon after 7 years, namasyal sa Paris: ‘JUST ME…bittersweet without my kids’

Read more...