IDINAAN na lang sa tawa ng beteranang aktres na si Gladys Reyes ang tanong patungkol sa kanyang ilong.
Kamakailan lang nang ibandera ng aktres sa kanyang Instagram page ang mga larawan kasama ang “It’s Showtime” family kabilang na ang larawan nila ng kanyang “maldita sister” na si Vice Ganda.
“It’s good to be back after 13 years in Showtime! Reunited with maldita sis @praybeytbenjamin. Delighted to see again the gorgeous @annecurtissmith,” saad ni Gladys sa kanyang caption.
Dagdag pa niya, “Happy to be a ‘hurado’ again, this time for the new segment, Mini Ms. U.”
Marami naman sa mga netizens ang super happy sa muling pagbabalik ni Gladys sa Kapamilya noontime program at looking forward sa more bardagulan moments nila ng Unkabogable Star.
Baka Bet Mo: Gladys Reyes hindi pinersonal si Awra Briguela nang tawaging ‘batang-hamog’: ‘Sinusunod ko lang ang script!’
“Sana mag actingan ulit kayo ni vice nakaka miss mga kamalditahan niyo hahahah,” saad ng isang netizen.
Comment naman ng isa, “Happy to see you at its showtime miss Gladys.”
“Ayyy isang magaling na hurado itong si Ms. Gladys Reyes. Pak na pak,” sey naman ng isa.
Kapansin-pansin naman ang isang komento ng netizen ukol sa ilong ng aktres.
“[Bakit] nag paayos ng ilong [si] mam gladys,” comment nito.
Natawa naman ang aktres sa sinabi ng kanyang follower.
“Naku, hindi po. Baka po dahil nag-lose ako weight kaya kala niyo po naiba nose,” sagot ni Gladys.
Mapapanood ngayon ang aktres bilang isa sa mga hurado ng bagong segment ng “It’s Showtime” na Mini Ms. U.
Related Chika:
Gladys Reyes proud nanay sa anak na si Christophe; nakapasa na sa ilang top schools sa Pinas, may scholarship pa