SINO pa ba ang hindi pa nakakapagparehistro ng kanilang SIM cards?
Aba, paalala lang mga ka-bandera na hanggang July 25 ang deadline para diyan.
Kung maaalala, nagbigay ng 90-day extension ang National Telecommunications Commission (NTC) para sa mga subscribers na hindi pa nakakapag-register ng kanilang SIM.
Para sa mga “feeling lost” kung paano at para saan ang bagong batas, narito ang ilang detalye.
Baka Bet Mo: Prepaid SIM card registration panlaban sa krimen – Sen. Bato
Ano ba ang SIM Card Registration Act o Republic Act No. 11934?
Isa itong bagong batas para protektahan ang “SIM users” mula sa kumakalat na “scam messages.”
Ayon pa nga kay Office of the Press Secretary officer-in-charge Cheloy Garafil, goal nitong mag-provide ng “accountability” sa paggamit ng sim cards at matulungan ang mga awtoridad na ma-track ang mga nangyayaring krimen sa pamamagitan ng cellphones.
Sey ni Gerafil, “the SIM Card Registration Act aims to provide accountability in the use of SIM cards and aid law enforcers to track perpetrators of crimes committed through phones.”
Pwedeng patawan ng kaukulang parusa ang mga magbibigay ng maling impormasyon, lalo na ‘yung mahuhuling namemeke ng kanilang “identity.”
Sino-sino ang pwedeng magrehistro?
Kailangang mag-register ang mga “existing” SIM subscribers – prepaid man o postpaid.
Naka-register din dapat siyempre ang mga bibili ng bagong SIM, kasama na riyan ang foreign nationals.
Kung menor de edad naman ang gagamit, dapat nakapangalan sa kanilang mga magulang o guardian ang kanilang SIM cards.
May bayad ba ang pag-register?
Wala, libre ang pagpaparehistro.
Ano ang mga requirements para makapag-register?
May dalawang requirement lang ang kailangan ayon sa bagong batas.
Una na riyan ang “registration form” na makukuha mula sa telco company.
Kailangang sagutan ang nasabing form na naglalaman ng ilang personal na impormasyon tungkol sa inyo, gaya ng inyong buong pangalan, birthday at address.
Pangalawa naman ay dapat magdala ng “valid government-issued ID cards,” gaya ng passport, SSS ID, UMID, at driver’s license.
Paano kung nawala o may pagbabago sa SIM Card?
Kailangang ito ipaalam kaagad sa telco provider upang ma-”deactivate” ang SIM cards sa loob ng 24 oras.
Pwede bang magkaroon ng maraming registered SIM card?
Ayon sa DICT, pwedeng magkaroon ng kahit gaano karaming SIM cards ang isang indibidwal.
Read more: