Maymay Entrata ‘focus’ muna sa pagiging singer: ‘Singing na ‘yung priority ko talaga…’

Maymay Entrata ‘focus’ muna sa pagiging singer: ‘Singing na ‘yung priority ko talaga…’

PHOTO: Instagram/@maymay

TRENDING ang latest YouTube vlog ng social media star na si Mimiyuuuh kasama ang kanyang kaibigan na actress-model na si Maymay Entrata.

Mapapanood sa video na nagkaroon ng life update ang dalawa at isa nga sa mga pinag-usapan nila ay ‘yung panibagong karera na tinatahak ni Maymay bilang music artist.

Ibinunyag ng aktres na mas tinututukan na niya ngayon ang paggawa ng kanta at ang pagiging singer.

“‘Yun na ‘yung priority ko talaga, pero hindi ko pa rin iniiwan ang acting ko,” sey ni Maymay kay Mimiyuuuh.

Inamin din ng aktres na hindi na siya masyadong komportable sa pag-arte dahil bukod sa ilang taon na siyang hindi sumasabak sa pelikula ay ibang-iba ang mga napag-aralan niya sa ibang bansa pagdating sa acting techniques.

Baka Bet Mo: Maymay: Kahit ano’ng gawin mo na maging mabait at perpekto lagi silang may masasabing mali

Kung maaalala, nagdesisyong lumipad pa-Canada ang Kapamilya star para ipagpatuloy ang kanyang matagal nang pangarap na makapasok sa isang acting school sa ibang bansa.

“Two years na akong hindi nag-acting. ‘Yun ang kinakabahan ako kasi ang tagal ko nang hindi nag-acting kahit ‘yun ang inaral ko sa Canada,” sambit ni Maymay.

Kwento pa niya, “Iba ‘yung acting nila doon kasi subtle lang…kung paano tayo magsalita, natural lang talaga.”

“Siguro sa Pilipinas tsaka sa Korean, ‘yung Asian mahilig tayo sa mga expressive kaya kailangan ng more, which is okay din naman,” saad niya.

Nabanggit din ng aktres na dahil iba ang natutunanan niya sa pag-arte sa ibang bansa ay kinailangan niyang mag-adjust at mag-aral ulit dito sa Pilipinas dahil nandito ang kanyang trabaho.

“Iyak na ako ng iyak doon kasi ‘diba maiyak tayo dito…tapos sabi nila parang hindi daw totoo kahit may luha daw. Mas okay daw ‘yung parang kahit walang luha pero alam nilang nasa puso…pero gusto ko rin ‘yung atake nila doon,” kwento niya sa naging workshop sa Canada.

Aniya pa, “Pero dahil dito naman akong nag-aacting, kaya balik workshop din ako dito. Kung paano ‘yung atake talaga natin.”

Related Chika:

Maymay may pa-dyowa reveal sa mismong Valentine’s Day: Happy birthday my Valentino!

Read more...