Mariel Padilla nag-solo sa bakasyon after 7 years, namasyal sa Paris: ‘JUST ME…bittersweet without my kids’

Mariel Padilla nag-solo sa bakasyon after 7 years, namasyal sa Paris: ‘JUST ME…bittersweet without my kids’

PHOTO: Instagram/@marieltpadilla

MUKHANG nag-eenjoy ngayon ang TV host-actress na si Mariel Padilla sa kanyang bakasyon sa ibang bansa.

Makalipas kasi ang pitong taon, nagkaroon ng “me time” ang aktres.

Sa Instagram, makikita ang ilang litrato ni Mariel habang nasa airport at sa eroplano.

Caption pa ng aktres, “My first trip in 7 years… JUST ME.”

Mababasa rin na tila namimiss niya ang kanyang dalawang anak na sina Isabella at Gabriela dahil hindi niya ito nakasama.

“Awwww bittersweet without my kids [smiling face with hearts emoji] was able to have champagne, sleep and eat,” wika niya sa post.

Kasabay din ng kanyang update ay nagpasalamat siya sa kanyang mister na aktor at senador na si Robin Padilla dahil ito raw ang nagkumbinsi sa kanya na mag-solo travel.

Mensahe niya, “Hehehe thank you babe @robinhoodpadilla for encouraging me to have this trip.”

Baka Bet Mo: Mariel magastos na raw bago pa maging senador si Robin: ‘Excuse me! Sobra kong sipag para sabihin n’yo na huwag akong mag-shopping!’

Sa hiwalay naman na IG post ay ibinunyag ni Mariel na nagtungo siya sa tinaguriang “City of Love,” ang Paris.

Makikita sa nasabing ang kanyang video habang nililibot ang ilang lugar sa unang araw ng kanyang bakasyon.

Saad ni Mariel, “Bonjour!!!!! First day in Paris [France flag emoji]”

Makikita naman sa comment section ang pagbati ng ilang kapwa-artista.

“Super deserve!!! Happy for youuuu!!!,” komento ng TV host na si Bianca Gonzalez.

Sey naman ng veteran actress na si Karla Estrada, “Haba a safe flight ma! ENJOY! [smiling face with hearts emoji]”

Related Chika:

Catriona itinago ang pag-iyak sa magulang nang magpaalam na pabalik ng Pinas

Read more...