Mikael, Megan enjoy na enjoy gumanap bilang mag-asawa sa ‘Royal Blood’, pero ibang-iba raw sila sa tunay na buhay

Mikael, Megan enjoy na enjoy gumanap bilang mag-asawa sa 'Royal Blood', pero ibang-iba raw sila sa tunay na buhay

Mikael Daez at Megan Young

PAREHONG na-challenge ang celebrity couple na sina Mikael Daez at Megan Young sa muli nilang pagsasama sa bagong teleserye ng GMA 7, ang murder mystery drama na “Royal Blood.”

Unang nagsama at nagkatrabaho ang mag-asawa sa Kapuso series na “The Stepdaughters” na umere noong 2018 at makalipas nga ang halos limang taon, nabigyan uli sila ng chance na magkatrabaho uli.

Natanong sina Mikael at Megan sa naganap na grand mediacon ng “Royal Blood” na pinagbibidahan ni Dingdong Dantes, kung ano naman ang pagkakaiba ng mga karakter nila sa serye sa tunay nilang buhay bilang husband and wife.


Gumaganap din kasing mag-asawa sa kuwento ng “Royal Blood” sina Mikael at Megan bilang sina Kristoff at Diana na may isang anak, si Archie Royales na may autism. Anak ng business tycoon na si Gustavo Royales (Tirso Cruz III) si Kristoff at half-brother ni Napoy (Dingdong)

“Megan and Mikael in real life is a 360 from our characters, Kristoff and Diana. And how we are in real life talagang hindi mo makikita rito sa Royal Blood because I feel like our characters have deep dark secrets na ayaw ipaalam sa ibang tao,” tugon ni Mikael.

Baka Bet Mo: Unang pasabog ng ‘Royal Blood’ ni Dingdong trending agad sa socmed; Julie Anne, Rayver handa nang makipaglokohan sa ‘The Cheating Game’

Aniya pa, “I’ve been enjoying doing the show with everyone. And, in particular, the dynamic that I have with Megan or Diana, our characters in the show, is extremely different.

“We are all enjoying it because the genre is very different. Para sa akin, this is my first time being part of a show that’s a murder mystery.

“So, even the way that it’s written and the way that we try to figure out our characters and the other characters is a bit different. Kasi ‘yun nga hindi rin namin alam kung sino ‘yung killer.


“So it’s part of the adventure. It’s really fun and fulfilling. In particular pa, kami ni Megan being able to have the dynamic that otherwise could not have, I think it is also a very fun experience,” tuluy-tuloy na chika ng Kapuso actor-host.

Napapanood ang “Royal Blood”, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad. Kasama rin dito sina Rhian Ramos, Rabiya Mateo at marami pang iba. Ito’y mula sa direksyon ni Dominic Zapata.

Dingdong sa mga babaeng contestant na ‘lumalandi’ sa kanya sa Family Feud: ‘Hindi ko naman napapansin, basta ang gusto ko manalo sila’

Robin nagbigay ng update sa health condition: Pinag-stress test ako at may nakita sila…

Read more...