Garrett Bolden na-challenge sa pagre-revive ng iconic hugot song ni Kris Lawrence na ‘Kung Malaya Lang Ako’: ‘Ibang-iba naman po ito’
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Garrett Bolden
GUSTUNG-GUSTO namin ang version ng Kapuso Soul Balladeer Garrett Bolden sa iconic hugot song na “Kung Malaya Lang Ako.”
Composed by the award-winning Vehnee Saturno, the heartfelt song was originally performed by Kris Lawrence at tungkol sa isang taong nagmahal ngunit hindi na pwede dahil committed na siya.
In fairness, hugot na hugot ang atake ni Garrett sa nasabing kanta produced this time by GMA Music.
Sey ni Garrett, “When they told me na kakantahin ko yung ‘Kung Malaya Lang Ako,’ nauna pong pumasok sa isip ko ‘yung excitement about it lalo na it’s a song na I’ve been singing before.
“It’s nice to bring another flavor to it at iparinig sa bagong generation na there’s this song na ang ganda ng pagkagawa at pagkasulat. So parang ikinuwento ko lang po ulit ‘yung story ng song na ito,” pahayag ng Kapuso singer.
Aniya, ang pagkakaiba nito sa version ni Kris, “’Yung original version po is a bit of strong ballad, R&B siya, ‘di ba, so ‘yung sa akin po nilagyan ko ng medyo modern sound.
“Hinaluan ko po ng ganu’ng feels. I think ‘pag narinig ito ng mga Kapuso natin it would give a different touch and a different feel. I did not change a lot when it comes sa melody ng kanta pero ‘yung tunog, ‘yun ‘yung medyo binago ko,” chika ni Garett.
Kuwento pa niya sa pagre-record ng naturang iconic song, “Challenging po ‘yung time na wala pang music or wala pa ‘yung final product.
“Since it’s one of the songs that I took inspiration before sa pagkanta, I asked myself how do I make it sound na sa akin ‘yung song this time?
“Then naging collaborative lang po ako with GMA Music. Talagang naging hands on kami, with the help of the arrangers, Sir Paulo Agudelo, and ‘yung buong GMA Music, when it comes to how we want it to sound,” sabi pa niya.
Tune in to Garrett Bolden’s sixth single “Kung Malaya Lang Ako,” now available on all digital streaming platforms worldwide.