Reunion movie nina Dingdong at Marian na may titulong ‘Rewind’ tuloy na: ‘Stay tuned for an unforgettable cinematic experience!’
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Dingdong Dantes, Mae Cruz at Marian Rivera
TULOY na tuloy na ang reunion at comeback project ng Kapuso Royal couple na sina Dingdong Dantes ay Marian Rivera.
Kinumpirma ito ng “Fast Talk with Boy Abunda” ngayong araw kasabay ng announcement mismo ni Dingdong sa kanyang Instagram account.
Sabi ni Tito Boy, “After 13 years, magsasama muli ang GMA’s royal couple, Dingdong Dantes and Marian Rivera.
“Ang pelikulang ito na pagsasamahan ni Marian at ni Dingdong is a collaboration, is a co-production among APT Entertainment, Star Cinema, and Agosto Dos Media ni Dingdong,” sabi pa ng King of Talk.
Kasunod nga nito ay ang IG post ni Dingdong kung saan ibinalita nga nitong tuloy na ang pagsasamahan nilang pelikula ng kanyang asawa na may titulong “Rewind” mula sa direksyon ni Mae Cruz-Alviar.
Kalakip ang ilang litrato na kuha sa ginawang project announcement ang caption ni Dong na, An exciting project is in the making, and this time, I have the pleasure of working alongside my amazing wife!