Guess, guess who!? Ma-gets n’yo kaya kung sino siya?
MUKHANG hindi na makakaulit ang isang aktor sa proyektong isinama siya dahil laging late!
Hindi namin matandaan ang pangalan ng aktor noong una dahil hindi naman siya nag-e-exist sa aming kamalayan pero nang banggitin ng kausap naming direktor ang pangalan niya ay bigla naming naalala ang kuwento ng isa pang direktor na naka-work na ng aktor.
Sabi ng kausap naming direktor na ka-work ngayon ng aktor, “Nakakailang late na, lagi na lang hinihintay. Hindi ba siya nahihiya sa co-actors niya? Kaya nagalit na ako. Nagso-sorry naman, e, laging gano’n?”
Naalala naman namin ang kuwento rin ng direktor na naakatrabaho noon ng aktor, “Si ____ (aktor), naku pasaway laging late. Mahusay sana, kaso natatalo ng husay niya ‘yung napapansing late lagi.”
Bukod dito ay nagkaproblema rin pala ang aktor sa co-star niya noon na muntik na silang magpang-abot, mabuti na lang daw at namagitan ang bestfriend nitong kasama rin sa proyekto.
Baka Bet Mo: Kilalang aktres laging late sa mga dinadaluhang events, pa-superstar na yarn?
Inisip namin na bata pa kasi siguro ang aktor at hindi pa gaanong sineseryoso ang career at parang natatandaan namin ang super sikat na aktor noon na talaga namang oras ang binibilang kapag late, pero kapag humarap sa kamera, pawang take one at nahihigitan pa ang expectation ng direktor kaya talagang bawing-bawi.
Ang style ng super sikat na aktor noon, makatulog lang siya ng anim o pitong oras, puwede na siyang magtabaho hanggang kinabukasan nang dire-diretso.
At higit sa lahat pawang box-office ang mga pelikula niya, kaya paano siya ihe-hate ng mga ka-work niya, e, money maker.
Itong batang aktor ngayon na inirereklamo, e, parang wala pa yatang napapatunayan kaya siguro puro reklamo pa ang naririnig namin kahit pa mahusay siyang umarte.
* * *
Masusubaybayan na ng mas maraming Kapamilya sa labas ng Pilipinas ang mga programa ng ABS-CBN dahil available na ang Kapamilya Online Live nang live at on-demand sa Japan, Hong Kong, at Singapore sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel.
Libreng regalo ito ng ABS-CBN bilang pasasalamat sa mga manonood na patuloy na sumusuporta sa kanilang mga palabas matapos na makakuha ang Kapamilya Online Live ng higit 251 milyon views para sa primetime shows nito noong Mayo.
Matututukan ng mga Pinoy sa Japan, Hong Kong, at Singapore ang mga paborito nilang Kapamilya teleserye nang live, kasabay ng pag-ere ng mga ito sa Pilipinas. Ilan sa mga programang available nang live at on-demand ay ang “FPJ’s Batang Quiapo,” “The Iron Heart,” “Dirty Linen,” at “It’s Showtime.”
Pwede ring magbinge-watch ng ibang mga palabas na siksik sa good vibes tulad ng variety show na “ASAP Natin ‘To” at ang musical game show na “I Can See Your Voice.” Nasa Kapamilya Online Live rin ang ilan sa mga pinakaminamahal na Kapamilya teleserye kagaya ng “Ang Sa Iyo Ay Akin,” “Be Careful with My Heart,” “Since I Found You,” “La Luna Sangre,” at “Home Along Da Riles.”
Andrea epektib na kontrabida: Pero ako yung laging nabu-bully sa school, tinatawag nila akong higad
Sunshine puring-puri si Barbie: Ang galing, laging ‘take one’, I’m really impressed!