Ryan napaluha nang balikan ang pamamaalam ng TVJ sa GMA; unang ibinalita kay Juday na tsutsugihin na siya sa ‘Eat Bulaga’

Ryan napaluha nang balikan ang pamamaalam ng TVJ sa GMA; unang ibinalita kay Juday na tsutsugihin na siya sa 'Eat Bulaga'

Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon at ang iba pang original Dabarkads

NAPALUHA ang TV host-actor na si Ryan Agoncillo habang ikinukuwento kung paano niya ibinalita sa kanyang misis na si Judy Ann Santos na sisipain na siya bilang host ng “Eat Bulaga.”

Pagbabahagi ni Ryan, isa raw siya sa mga Dabarkads na planong tsugihin ng bagong management ng Television and Production Exponents (TAPE) Inc., ang producer ng “Eat Bulaga” sa pangunguna ng magkapatid na Jon at Bullet Jalosjos.

Matatandaang kinumpirma ng isa sa mga original host ng “Eat Bulaga” na si Joey de Leon, na isa nga si Ryan sa mga gustong tanggalin ng TAPE sa programa kasama ang iba pa nilang co-hosts.

Kahapon, June 20, sa naganap na presscon para sa paglipat nina Joey, Tito Sotto at Vic Sotto sa TV5 kasama ang mga “legit” Dabarkads, nagbahagi si Ryan ng kanyang saloobin hinggil dito.


Aniya, kay Juday daw niya ito unang sinabi, “It has been 14 years, nasa Eat Bulaga pa rin ako. Kaya noong sinabi na tagpas kaming lahat, ang sabi ko na lang sa asawa ko pag-uwi ko, ‘I think I just got fired.'”

Kasunod nito, nalaman na rin ng iba pa niyang kasamahan sa show ang mga plano ng TAPE, “From February 28, dinala na ng grupo yon, at wala kayong marinig, that’s the style of Eat Bulaga. We deal with our own problems quietly, just like a very good family does.”

Inalala rin ng TV host ang araw nang tuluyan nang mamaalam ang TVJ sa May 31 episode ng “Eat Bulaga” kung saan nag-resign na rin siya at ang iba pang original host, kabilang na sina Allan K, Maine Mendoza, Jose Manalo, Paolo Ballesteros, Wally Bayola at Ryzza Mae Dizon.

Baka Bet Mo: Isko Moreno nagpasintabi sa TVJ bago sumalang sa ‘Eat Bulaga’, walang balak tapatan ang OG hosts

Pagpapatuloy ni Ryan, “Galing akong bakasyon, tumawag yung EP (executive producer) namin, sabi, ‘Kuya Ry, papasok po ba kayo bukas?’ Sabi ko, ‘Of course, anong oras? Normal days.’

“By the time when I got to work, actually nagulat ako, nag-aalmusal kami ni Allan K. Hindi na kami nakakain kasi pagdating ko po doon sa programa, I didn’t know what was going on kasi galing kaming bakasyon. And it took about five minutes for me to figure out what’s really going on.

“But we went on air. A few moments later, nagkatinginan na lang kami. Sabi namin, ‘Ito na ito. Ito na yung pinaghahandaan natin ng ilang buwan,'” aniya pa.

“Phones were ringing, nandu’n kami sa kuwarto, lahat tawanan, iyakan, all the emotions you can imagine. Hindi ko madampot yung phone ko. Sabi ko, ‘First person I tell is my wife.’ So, hanggang pag-uwi, nagkakagulo na online, we don’t even know if we aired or where we aired.


“Ayon na yon. Basically, hindi ko ma-describe sa inyo how we feel na hindi ako umiiyak and how it feels to be backed up by the TVJ,” ang maluha-luha pang pahayag ni Ryan.

“But I’ll tell you, what. My wife didn’t ask. My parents didn’t ask. When I made that decision, ang luwag, e. Tama. And (sabi nila), ‘You will be okay,’ and that’s what I felt.

“We didn’t know gaano kalayo paningin namin. Pero as long as yung katabi ko ay ang TVJ at Dabarkads, there was just you knew that it was the right moves,” sey pa niya.

Aminado si Ryan na nasaktan siya sa pagkakatanggal sa kanya, “Well, sabi nila, you]l should not meet your heroes, di ba? As I was born the same year that these gentlemen started the show.

“I was the fan, I became the regular guest, hanggang sa naging co-host right at the time when I got married.

“It was part of the plan, when Tita Malou (Choa-Fagar, dating CEO ng TAPE) asked me on a Friday night na ‘Ryan, would you like to be part of Eat Bulaga!?’ Walang isip-isip, I reported in the next day.

“As in, parang nasabi ko na lang yata sa asawa ko, ‘Sweetheart, papasok ako sa Eat Bulaga’. Tsaka lang niya nalaman na host ako noong nakita niya sa portion na regular na.


“It was a part of the plan for the family, kasi it would afford me the time to spend with my then just starting family,” lahad pa ni Ryan Agoncillo.

Kung wala bang magiging problema, eere na ang bagong show ng TVJ at ng legit Dabarkads sa TV5 sa darating na July 1. Ibabandera raw ang title nito sa mismong araw ng programa.

Pero ilang beses na sinabi ni Vic Sotto na “Eat Bulaga” pa rin ang gusto niyang maging titulo ng programa nila sa TV5.

TVJ muling kinanta ang theme song ng ‘Eat Bulaga’, netizens nag-react: ‘Mukha ngang totoo ang tsismis’

Juday ipinagdasal ang pagdating ni Ryan: Ito pala ‘yung feeling na niyayaya kang mag-date, dinadalaw ka sa set

Read more...