Ogie Diaz ipinagtanggol si Aiko Melendez mula sa bashers: Nag-TikTok lang, dami nang kumuda?

Ogie Diaz ipinagtanggol si Aiko Melendez mula sa bashers: Nag-TikTok lang, dami nang kumuda?

DINIPENSAHAN ng talent manager na si Ogie Diaz ang kanyang alaga at kaibigang si Aiko Melendez laban sa mga bashers.

Nagtrending kasi ang aktres at isa sa konsehala ng Quezon City matapos itong mag-TikTok sa loob ng session hall kasama ang kapwa Kapuso star na si Julian Trono.

At matapos nga ang pagpo-post ng TikTok ng alaga ni Ogie ay dinagsa ito ng mga batikos mula sa madlang netizens.

Marami ang hindi nagustuhan ang ginawa ni Aiko dahil sa hindi raw nito pagrespeto sa session hall.

Kaya naman to the rescue si Ogie upang ipagtanggol ang alaga at kaibigan,

“Pag magaganda naman ang ginagawang project, di naman naba-viral. Nag-tiktok lang, dami nang kumuda?” saad ng talent manager.

Baka Bet Mo: Aiko Melendez, Julian Trono nag-TikTok sa session hall, netizens napataas ang kilay

 

Pagpapatuloy pa ni Ogie, “Me nilabag bang protocol? This is after the session. May corruption bang naganap sa video?”

Ngunit ayon sa pahayag ni Aiko ay naganap ang kanilang TikTok bago ang session.

Dagdag pa ni Ogie, “Ang i-bash nyo ay kung sino ang laging absent na konsehal during sessions.”

Marami naman ang sumalungat sa talent manager at sinabing mali pa rin ang ginawa ng konsehala.

“unfortunately, disagree ako sayo ogie. lam namin na manager ka ni aiko, pero sana pangaralan mo sya. may tamang lugar sa pagtiktok at hindi yan sa opisina ng gobyerno,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Let’s not normalize this. If they want to have fun and chill before or after a hard day’s work, better do it on a neutral place. Let’s put back the respect to these august halls such as legislative halls for lawmaking venues and not this.”

“You missed the point. This is a session hall. May rules of conduct, may decorum. Yung projects, yung walang corruption basic expectations un ng public office, in the same way na may basic expectations sa professionalism,” dagdag pa ng isa.

Related Chika:
Ogie Diaz may pinaringgang ‘host’: ‘Wag ka masyadong dependent sa teleprompter

Ogie Diaz tinalakan si Rendon Labador: Huwag natin pairalin yung pagiging siga

Read more...