TVJ nagkaiyakan sa presscon ng paglipat nila sa TV5; Vic hindi papayag na basta na lang kunin ang ‘Eat Bulaga’ ng kung sinu-sino lang

TVJ nagkaiyakan sa presscon ng paglipat nila sa TV5; Vic hindi papayag na basta na lang kunin ang 'Eat Bulaga' ng kung sinu-sino lang

“‘EAT BULAGA’ pa rin!” Iyan ang sagot ni Bossing Vic Sotto nang tanungin kung ano na ang magiging title ng magiging noontime show nila nina Tito Sotto at Joey de Leon sa TV5.

Wala pang final title ang bagong programa ng TVJ sa Kapatid Network pero nangako ang TVJ na ibabandera nila ang gagamitin nilang titulo kapag umere na sila sa July 1.

Gusto raw nila itong gawing sorpresa para sa lahat ng mga Dabarkads na naghihintay sa pagbabalik nila sa telebisyon matapos mamaalam sa TAPE Incorporated at GMA Network.

Pero sabi nga ni Bossing, “Sa akin ‘Eat Bulaga’ pa rin.”

Sundot ni Joey, “Kunyari Lunes ngayon, sabihin ni Vic, our title for today is… then for Tuesday, ito naman and so on and so forth. So everyday, may element of surprise, di ba?”

“Iba-iba,” hirit naman ni Allan K.

Pero isa lang ang siniguro ng TVJ sa bago nilang show, babalik ang “Pinoy Henyo” at “Bawal Judgmental” plus more better and newer portions, lalo pa’t magiging hands on na sila sa buong production.

Ito’y dahil sa ang binuo nilang TVJ Productions, Inc. na ang magpo-produce ng sarili nilang show kasama ang MediaQuest Holdings at siyempre ang TV5 ni Manny V. Pangilinan.

 

Baka Bet Mo: ‘Eat Bulaga’ contestant na nanalo sa isang segment, nagpasalamat sa TVJ

 

Matapang din ang sumunod na pahayag ni Bossing tungkol sa paggamit ng titulong “Eat Bulaga.” Aniya, “Ako more than half of my life…sa Eat Bulaga, kapag absent ako, parang may kulang sa buhay ko tapos kukunin lang ng kung sinu-sino?! Hindi papayag si MVP!”

Samantala, ibinuking din ni Tito Sen ang ginawa umano ng TAPE na never ipinaalam sa kanila, “Hindi namin alam 2011 nag-file sila ng trademark. Anong issue nu’n?

“Anong ibig sabihin nu’n? Pagkatapos na-expire, paano ngayon? At saka trademark ‘yon. Trademark, it only shows na ang tinarget kung paano kikita. Bakit? Ang trademark na naka-file, goods.

“Not copyright, this is not copyright at all actually. The copyright belongs to Joey de Leon. Ganu’n ‘yon.

“So kahit mag-file pa ang kahit sino ng copyright, this is backed up by law and jurisprudence not only in the Philippines but also abroad.

“Even if you file 10 copyrights or 100 copyrights for something you do not own, talo ka. Why? A copyright is always during the moment of creation.

“Ang may-ari, the one creator. ‘Yun ang katotohanan kaya  Eat Bulaga is TVJ. TVJ is Eat Bulaga,” paliwanag pa ng dating senador.

Nakiiyak naman sa TVJ ang mga legit Dabarkads at mga loyal production staff ng programa pati na rin ang ilang members ng entertainment media nang magpasalamat na ang iconic trio sa TV5.

 

Related Chika:
‘Dabarkads’ na ang magiging title ng show nina Tito, Vic & Joey sa TV5; JoWaPao umayaw daw sa offer ng TAPE?

Bullet Jalosjos masaya para sa TVJ, susuporta at manonood sa bagong show sa TV5

Read more...