INAMIN ng dating child star na si Xyriel Manabat na naloloka siya sa mga taong mahilig pumuna ng kanyang katawan.
Sa naging panayam with Ogie Diaz, ikinuwento ng aktres ang iba’t-ibang klase ng body-shaming at pambabastos na nararanasan niya dahil sa kanyang malaking dibdib.
Ayon kay Xyriel, hindi niya matanggap ‘yung masamang pag-iisip at pagiging unfair ng ibang tao dahil sa kanyang katawan.
“Ayoko po ‘yung iba na gina-justify, nino-normalize, pinagtatanggol nila ‘yung maling utak ng pagiging bastos, pagbo-body shame, ayoko po ‘nun. ‘Yun po ang kinaiiyakan ko,” sey ni Xyriel.
Paliwanag niya, “Kasi iniisip ko, ‘matino naman akong tao, bakit ganun sila.’ Hindi ko naman deserve ‘to, gusto ko lang namang mag-express ng suot ko, bakit ako ‘yung mag-aadjust e wala naman akong mali.”
Dagdag pa ng dating child star, “Hindi naman po aksidente ‘yung pagmamanyak o pangbabastos nila kasi nakokontrol ‘yung utak. ‘Yung body type ko, ‘yung katawan ko hindi ho, normal po siya.”
Sinabi rin ni Xyriel na nabibigla siya sa ibang tao na nagagawang manlait upang mapansin lang niya.
“May messages or magkoko-comment na sobrang below the belt tapos kapag nireplyan po sila, sobrang shunga ng reply. Bigla po silang magre-reply ng, ‘yey na-notice na ako!’,” chika niya.
Baka Bet Mo: Xyriel nais makilala sa galing sa pag-arte, idol na idol si Judy Ann: Siya lang po talaga pinapanood namin ni Mama!
Panawagan niya, “Hindi ho natin kailangang mambaba ng tao para ma-notice kung notice lang ho ang gusto nila.”
“Ganun na ho kakitid ‘yung utak nila. Nakakalungkot ho na ganun sila mag-isip,” aniya pa.
Nang tanungin naman siya ni Ogie kung ano ang reaksyon niya sa mga taong naka-focus sa lagi sa kanyang dibdib.
Sagot ng aktres, “As long as hindi naman po body shaming, hindi naman sexualizing or objectifying okay lang po na hangaan nila [ang dibdib ko], okay lang po na ma-notice nila pero huwag po nilang bigyan ng double standard na parang, ‘dapat ito lang ako kasi sila ganito lang.’”
Ani pa ni Xyriel, “Grabe po silang mag-double standard sa bagay na hindi ko naman kontrolado. ‘Yun lang po ang ayaw ko.”
Kasunod niyan ay ibinunyag ng aktres na mahirap ang magkaroon ng malaking hinaharap.
Dahil bukod sa mga pambabastos ay madalas rin siyang makaranas ng sakit ng katawan.
“Sa totoong buhay po, masakit sa likod. Totoo po ‘yung back pain, tapos nakukuba ka po talaga, tapos ang hirap pong humanap ng matinong posisyon, mahirap po talaga siya,” saad niya.
Para raw sa kanya at kung siya ay papipiliin, ang mas gusto niya ay maging flat-chested na lamang.
Dagdag niya, “Kasi ako personally, sobrang attracted sa mga babaeng flat-chested kasi ang ganda nilang damitan.”
“Kumbaga kahit malaki o masikip, kapag sinuot sa kanila, ang ganda – well, parang ‘yun lang po ang perspective ko po,” sambit ni Xyriel.
Paliwanag pa niya, “Feeling ko kaya lang din nagmumukha na super laki [ng dibdib ko] kasi super liit ko rin po kaya ‘yun ‘yung mas nae-emphasize tapos ang liit pa ng iba kong features.”
Related Chika: