Doja Cat trending ang bagong kanta at music video, may milyon-milyong views na

Doja Cat trending ang bagong kanta at music video, may milyon-milyong views na

PHOTO: Instagram/@dojacat

MATAPOS maging hit ang kanyang kantang “Vegas,” trending naman ngayon ang bagong single at music video ng American rapper na si Doja Cat.

Ito ang kantang “Attention” under Kemosabe Records, RCA Records, at Sony Music Entertainment na kalalabas lang noong June 16.

Isang araw pa lang nang ma-release ang music video ng bagong kanta ay nag-trending na agad ito sa YouTube.

As of this writing ay umaani na ito ng mahigit dalawang milyong views.

Baka Bet Mo: Dawn Chang may hugot sa pang-aabuso sa kababaihan, netizens nag-react: Attention seeker ka talaga

Bumuhos naman ang libo-libong comments mula sa fans at lubos nilang pinuri ang bagong release ng music artist.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin sa comment section:

“She is showing us that she’s not just a generic Pop Rapper, she is also a gifted lyricist who can be taken seriously as an artist.”

“I’m happy that she made a song like this. She doesn’t listen to her haters, she does what she wants and what she likes. Amazing!”

“Doja is so full of talent. I’m loving this new side of her artistry. She never ceases to amaze me.”

Kung mapapakinggan ang lyrics ng nasabing bagong kanta, patungkol ito sa pangangailangan ng atensyon bukod sa pag-ibig.

Isa rin diyan ay ‘yung paggpapahiwatig din nito ng pakiramdam ng pagtitiwala sa sarili.

Ang kantang “Attention” ay ang unang patikim ng rapper para sa kanyang upcoming album this year.

Related Chika:

Payo ni Megan sa mga pet lovers: Your furbaby is like a baby, so dapat isama sila sa budget n’yo

Read more...