Rita Daniela may inggit nga ba sa kasikatan ni Julie Anne San Jose?

Rita Daniela may inggit nga ba sa kasikatan ni Julie Anne San Jose?

MAYROON nga bang naramdamang inggit ang Kapuso actress at singer na si Rita Daniela kay Julie Anne San Jose?

Sa kanyang panayam sa “Fast Talk with Boy Abunda” ay natanong siya kung may inggit nga ba siya ngayon sa kasikatan ng kapwa Kapuso star.

“Rita, diretsong tanong. Nakikita mo ngayon si Julie Anne, she’s doing concerts, she has successful teleseryes, top-rating teleseryes, movies, in other words, she’s on top of her game, kasabayan mo. Kapag nakikita mo ba si Julie Anne, may konting kurot? May konting inggit?” tanong ni Boy.

Sagot naman ng singer-actress, “Wala po, Tito Boy.”

Pagpapatuloy pa ni Rita, “Kasi, naniniwala po ako na we all have our seasons. At ito ang season ni Julie, at ang season ko ngayon is to be a full-time mom and to be the best mom to Uno.”

Amin din ng aktres, isang healthy competition ang mayroon sa kanila ng kaibigan.

“We’re both competitive and I like that about us,” sey pa ni Rita.

Matatandaang parehas na sumabak sa singing competition na “Pop Star Kids” ang dalawa noong 2005.

Baka Bet Mo: Rita Daniela hiwalay na sa tatay ng kanyang anak: ‘We really tried our best just like everybody else but it didn’t work out’

Si Rita ang itinanghal na kampyeon sa patimpalak habang isa naman sa mga finalists si Julie Anne San Jose.

Samantala, ibinandera naman ng aktres ang kanyang mga larawan na kuha noong in-interview siya ni Boy sa kanyang Instagram page.

“I am Rita and I am mom-stoppable.”

Super loved Tito Boy’s advices. Loved the fact that we both like the danger zone — sometimes lang naman. Kalma lang kayo,” sey niya.

Matatandaang inamin rin ni Rita na hiwalay na sila ng non-showbiz boyfriend at ama ng kanyang baby boy.

Marami sa mga netizens ang nagbigay ng kanilang pgsuporta para sa aktres.

“I appreciate your messages about the interview. Pain after pain is definitely not an easy ride but I’m grateful to have walked it with God,” lahad ni Rita.

Dagdag pa niya, “Remember, learn to move on and move forward because life won’t stop for you. People in our lives will come and go. Even the important and special ones but God won’t. He won’t ever leave us.”

Related Chika:
Rita Daniela ibinandera ang super poging anak: You are one strong boy!

Ken Chan nagsalita na sa pagbubuntis ni Rita Daniela: I’m so proud of you

Read more...