NAKARATING na mismo sa batikang aktor na si Jaime Fabregas ang kumakalat na balita na siya ay pumanaw na.
Dahil diyan, agad siyang naglabas ng video sa social media bilang patunay na “fake news” ang mga chika tungkol sa kanya at siya ay buhay na buhay pa.
Sa isang maiksing Instagram video, unang ibinandera ni Jaime ang isang relo na ipinapakita ang oras at petsa, at sabay na ipinaling sa kanyang mukha.
Sey pa niya, “Mga kababayan, ngayon po ay June 16, 2023. Ako po ay buhay na buhay, ayan nakikita ninyo.”
Panawagan pa niya sa madlang pipol, “Huwag po kayong maniwala diyan sa mga balita na ako po ay pumanaw na.”
Baka Bet Mo: Hugot ni Jaime Fabregas: It will be very difficult to have another Susan Roces again in our lives…
Bukod diyan ay may caption pa ang veteran actor na kung saan ay nakikiusap siya na tanggalin na ang mga post na nagsasabing siya ay patay na.
“Doon po sa mga nag-post, sana burahin niyo na,” wika niya sa IG caption.
Dagdag pa niya, “Lahat naman tayo ay mamamatay. Hintayin po nating mangyari.”
“Pati po kayong nagpost, mamamatay din kayo,” biro pa niya.
Aniya pa, “Pero salamat na rin. May nagsabi na lalo daw hahaba ang buhay ko [laughing face emoji].”
Libo-libong netizens naman ang napa-comment sa socmed post ni Jaime at kahit sila ay tila galit na galit sa fake news na kumalat.
Narito ang ilan sa mga nabasa namin sa comment section:
“Sasama ng ugali Juskooo! God bless po sir [white heart emoji].”
“‘Di talaga dapat naniniwala agad agad sa mga kumakalat sa socmed now a days. Anyway, I’m glad to hear that you’re alive and kicking po.”
“Grabe naman ang ibang tao talaga minsan ‘di muna alamin ang totoo. God bless and We love you po!”
Hindi ito ang unang beses na may pinatay umano sa social media.
Recently lang ay kumalat ang bali-balitang sumakabilang-buhay na ang social media star na si Madam Inutz, pati na rin Kapamilya singer na si Klarisse de Guzman.
Tulad ng ginawa ni Jaime, pinansin agad ‘yan ng dalawang celebrities at pinabulaan ang ganung klaseng mga balita.
Related Chika: