Maggie Wilson sa mga tatay ngayong Father’s Day: ‘Teach your sons to be real men!’

Maggie Wilson sa mga tatay ngayong Father’s Day: ‘Teach your sons to be real men!’

PHOTO: Instagram/@wilsonmaggie

DAHIL malapit na ang pagdiriwang ng Father’s Day, nagpahayag ng mensahe ang beauty queen na si Maggie Wilson para sa mga tatay.

Ayon kay Maggie, kailangan maging magandang ehemplo sa mga batang lalaki ang kanilang ama.

Ito raw ay para in the future ay maging responsable, tapat at mabuti silang partners.

“So for Father’s Day, teach your sons how to be compassionate, respectful, honest, accountable, and kind,” wika niya sa isang Instagram post.

Lahad pa, “Teach them how to communicate. Teach them to be real men so their future partners can feel safe.”

“Raise them to be good and be someone they can be proud of,” aniya pa.

Baka Bet Mo: #TeamTatay: Diego, Luis, Joaquin, Rocco, ilan pang male celebs first time magdiriwang ng Father’s Day bilang ama

Kung maaalala, noong nakaraang Mother’s Day ay gumawa si Maggie ng video nila ng anak na si Connor Consunji.

Ipinakita niya ang ilang special moment nilang mag-ina noong nagkakasama pa sila sa Pilipinas at mga okasyong ipinagdiriwang nila.

Para sa mga hindi pa masyadong aware, mahigit isang taon nang hindi na niya nakakausap ang anak na lalake.

Ito ay matapos siyang tanggalan ng “access” ng estranged husband niyang si Victor Consunji, founder at CEO ng Victor Consunji Development Corporation o VCDC.

Nakiusap pa nga ang beauty queen sa lahat na ipaabot sa kanyang anak ang kanyang social media post.

Sey niya, “I have been blocked. I ask that if you see my son, tell him he is loved, and if you can, show him this video. I will be forever grateful if you could find in your hearts to do so.”

Related Chika:

Ruffa naloka sa sinabi ni Yilmaz nang muling makita ang 2 anak: ‘Wag kang mag-alala next mo silang makikita after 15 years din’

Read more...