EXCLUSIVE: Payo ni Maxie ngayong Pride Month: Sana ‘yung kakampi namin manggaling sa loob ng bahay…

EXCLUSIVE: Payo ni Maxie ngayong Pride Month: Sana ‘yung kakampi namin manggaling sa loob ng bahay…

PHOTO: Instagram/@maxieandresison

ISYU pa rin sa ating lipunan ang diskriminasyon laban sa mga kapatid nating miyembro ng LGBTQIA+ community.

Ang iilan pa nga sa kanila ay hindi matanggap-tanggap ng kanilang mga magulang o kapamilya.

Bilang ipinagdiriwang natin ngayong Hunyo ang Pride Month, hiningan namin ng opinyon ang drag pop star na si Maxie Andreison pagdating sa ganitong sitwasyon.

Para kay Maxie, umaasa siya na balang araw ay mapagtatanto rin ng mga magulang ang importansya ng kanilang anak na isang LGBT member.

Naniniwala rin daw siya na dapat inuuna ang kapakanan ng pamilya upang magkaroon ng magandang pundasyon ang anak.

Baka Bet Mo: EXCLUSIVE: Maxie Andreison sa pagsali sa ‘Queen of the Universe’: ‘I want to see my family to have a good life!’

“You know, someday your kids will help you, will support you and siyempre, family is family,” sey ni Maxie sa exclusive interview ng BANDERA.

Wika pa niya, “Family first. If you have a great foundation in life, if you have a great foundation coming from your home, siyempre magiging strong and brave ‘yung mga anak ninyo, like me.”

“Hindi ko naman mai-spread ‘yung wings ko kung hindi wala akong magandang foundation sa bahay ko,” paliwanag niya.

Nabanggit pa niya na isa siya sa mga pinalad pagdating sa mga magulang dahil kahit bata pa lang siya na naglantad ay todo suporta na ang kanyang nakukuha.

“My parents was very supportive. So minamahal nila ako nang malala, kaya minamahal ko rin sila nang malala,” sambit ng drag queen performer.

Dagdag niya, “At kung ano ang nakakamtam ko, dahil ‘yun sa paghihirap at pagod at pagmamahal na binigay nila sa akin.”

“Kaya tanggapin ninyo ang mga anak ninyo kasi mahirap makipaglaban sa mundo,” payo niya sa mga magulang na may LGBTQ member na anak.

Aniya pa, “Ang dami na naming kalaban, ‘diba. Sana ‘yung kakampi namin manggaling sa loob ng bahay.”

Para sa mga hindi pa masyadong aware, si Maxie ang kauna-unahang Pinay drag queen na sumabak sa drag reality singing competition na “Queen of The Universe” na ginanap sa United Kingdom.

Ilan lamang sa mga kalaban niya sa nasabing kompetisyon ay mga nagmula pa sa mga bansang Italy, Brazil, United States, Netherlands, Israel, Mexico, United Kingdom at Australia.

Ang mananalo sa “Queen of the Universe” ay mag-uuwi ng tumataginting na $250,000 o halos P13 million.

Related Chika:

Read more...