EMOSYONAL at punung-puno ng pagmamahal ang naging mensahe ng dating beauty queen na si Priscilla Meirelles para sa asawang si John Estrada.
Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi niya ang mga larawan na kuha sa nagdaang 50th birthday party ng aktor na siya mismo ang naghanda noong Lunes, June 12.
“To the one and only Man in my life, my Husband… Happy Birthday. From the moment I met you I knew I wanted to share my life with you,” panimula ni Priscilla.
Pagkukwento niya, marami na silang pinagdaanang mag-asawa na kanila namang nalagpasan.
“We have been through a lot, and the ride hasn’t been smooth but it has been bunches of fun and for your life, I am truly grateful, even if sometimes it may look like I want to commit murder… lucky you, I’m no murderer,” pagbibiro pa ni Priscilla.
Hiling pa niya na sana ay mahanap na ng aktor ang “true contentment” sa kanyang buhay.
“Today I pray that you have accountable blessings and that you always find a reason to smile every day anew for the rest of your journey. May you find true contentment in every spec of your life without losing yourself,” sey ni Priscilla.
Labis rin ang pasasalamat niya sa pagiging mabuting ama ni John sa kanilang anak at pagiging good provider nito sa kanilang pamilya.
“Thank you for being a good provider for our family. Thank you for being a good dad to Anechka. Thank you for being my husband. We love you. God bless you and may he be with you always. Your one and only Wife,” hirit pa ni Priscilla.
Matatandaang nitong mga nagdaang buwan ay naging laman ng mga balita ang mag-asawa dahil sa kanilang problema ngunit pinili naman nilang ayusin ito sa pribadong paraan.
Related Chika:
Priscilla Meirelles sunud-sunod ang cryptic post, may problema nga ba sa asawang si John Estrada?