Mavy, Kyline nape-pressure sa ‘Love At First Read’ na pumalit sa ‘Family Feud’, humingi ng advice kay Dingdong

Mavy, Kyline nape-pressure sa 'Love At First Read' na pumalit sa 'Family Feud', humingi ng advice kay Dingdong

Mavy Legaspi at Kyline Alcantara

AMINADO ang Kapuso loveteam na sina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara na may kaba at pressure silang nararamdaman sa kanilang launching series na “LUV IS: Love At First Read.”

Hindi maiaalis na atakihin ng matinding nerbiyos ang dalawang Kapuso stars dahil talaga namang bigatin ang papalitan nilang programa sa timeslot ng bago nilang serye sa GMA 7.

Ang “Love At First Read” ang pupuwesto sa iiwanang oras ng “Family Feud” (naka-season break) hosted by Dingdong Dantes na alam naman nating super successful at isa sa top-rating shows ng Kapuso Network.


Ayon kina Mavy at Kyline, binigyan sila ng blessing ni Dingdong bago humalili sa “Family Feud” at sa naganap ngang mediacon ng “Love At First Read” ay naibahagi nga ng MavLine ang natanggap na advice mula sa Kapuso Primetime King.

Sey ni Kyline, “Definitely may kaba and actually tinanong po namin si Kuya Dong siyempre magkaiba pong shows e, variety and serye, so tinanong po namin siya kung anong dapat gawin, and sabi niya, ‘Maganda naman ‘yung story niyo so just keep on promoting.’”

Baka Bet Mo: Sue Ramirez sinagot ang chikang tomboy daw siya at naging dyowa si Maris Racal: ‘Sa landi kong ‘to! Charing!’

“Sobra po ‘yung kaba namin pero I am manifesting na magiging successful po ang Love At First Read dahil napakaganda po ng cast, napakaganda po ng istorya namin, napakagaling po ng mga direktor namin, ng production, ng crew, ng writers namin, so no doubt.

“Sana po maramdaman ng bawat Kapuso na manonood sa amin ‘yung good vibes and ‘yung kilig na nararamdaman ng buong cast on and off cam,” chika pa ng young actress.


Para naman kay Mavy, “We’re not afraid because I know we put up a beautiful show and it was an honor working with each and every one of you.

“Kaya alam ko na excitement lang ‘yung nararamdaman ko because we have something beautiful that the Kapuso are going to see in the near future and Kuya Dong thank you sa blessing mo,” dagdag pa ng binata.

Nagsimula na ang “LUV IS: Love At First Read” kahapon, June 12, 5:40 p.m. bago mag-“24 Oras” sa GMA 7. Kasama rin dito sina Jackie Lou Blanco, Jestoni Alarcon, Therese Malvar, Maricar de Mesa at iba pang Sparkle artists.

Candy, Rayver binatikos ng netizens: Basa muna bago comment

Janine super iwas pa rin sa isyu ng relasyon nila ni Paulo, pero humirit ng, ‘Alam n’yo na iyan, gets n’yo na ‘yan!’

Read more...