Vic Sotto nag-ala staged father sa kanyang flower girl na si Tali

Vic Sotto nag-ala staged father sa kanyang flower girl na si Tali
SUPER proud ang TV host-actor na si Vic Sotto sa kanyang bunsong anak na si Tali.

Isa kasi ito sa mga naging parte ng wedding entourage ni Kathleen Hermosa at Miko Santos bilang flower girl.

Sa Instagram nga ay ibinandera ng asawa ni Vic na si Pauleen Luna-Sotto ang mga larawan ng kanilang anak habang naglalakad sa aisle.

Caption ni Pauleen, “LF: flower girl roles.”

Makikita rin sa post ang stolen shot ni Vic habang kinukun ng larawan ang bunsong anak.

Umani naman ng magagandang komento mula sa mga celebrity friends at netizens ang post ni Pauleen.

Baka Bet Mo: Pauleen Luna kay Vic Sotto: You are God’s gift to me and to so many people

“Female version ni Vic,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng bride na si Kath, “Lady na si Tali!!! Ganda nya Pau!! And loved her shoes yesterday!”

“Laki Ng pinayat ni Tali. Feeling ko kasingtakad ito ni bossing Vic [paglaki],” sey naman ng isa pang netizen.

Related Chika:
Bossing, Pauleen payag agad sa pag-aartista ni Tali: She’s very funny, nakakatawa siya at gusto talaga niya

Pauleen Luna pinaiyak nina Ice Seguerra at Vic Sotto; may nakakalokang bukingan tungkol sa ‘father & son’

Read more...