TUMAAS nanaman ang singil sa kuryente ngayong buwan ng Hunyo.
Ayon sa power distributor na Manila Electric Co. (Meralco), asahan na madaragdagan ng P0.4183 kada kilowatt-hour (kWh) ang binabayarang kuryente.
Ang ibig sabihin niyan, ang overall electricity rate ay papatak ng P11.9112 kada kWh ngayong Hunyo.
Mas mataas ‘yan noong nakaraang Mayo na nasa P11.4929 per kWh.
Dahil din sa pagtaas ng presyo ng kuryente, ang residential customers na kumukunsumo ng 200kWh kada buwan ay may dagdag na P84 sa kanilang total bill.
Baka Bet Mo: Madam Inutz umabot sa mahigit P32k ang bill sa kuryente: ‘Wala talaga akong karapatang magpahinga!’
Gayunpaman, sinabi ng Meralco na ang electricity rates ngayon ay bumalik na sa normal matapos magkaroon ng refunds na may kinalaman sa “generation charge.”
Para sa kaalaman ng marami, ang generation charge ay tumutukoy sa binayarang supply ng kuryente na nagmula pa sa mga supplier.
“In terms of generation, there actually was a reduction in terms of power rates,” sey ni Joe Zaldarriaga, ang vice president at head corporate communications ng Meralco.
Dagdag pa niya, “Customers will no longer find a separate line item on the distribution-related refund this month.”
Kung matatandaan, nagtaas ng singil sa kuryente mula Marso hanggang Mayo matapos pansamantalang isinara ng dalawang linggo ang Malampaya field.
Dahil sa ginawang maintenance, napilitan ang Meralco na gumamit ng mas mahal na alternative fuel upang makapag-supply ng kuryente sa mga apektadong lugar.
Read more: