SB19 bumuo ng sariling talent agency, willing mag-train ng new talents: ‘May minamata na kami in the future…’

 

SB19 bumuo ng sariling talent agency, willing mag-train ng new talents: ‘May minamata na kami in the future…’

PHOTO: Courtesy Sean Jimenez

KASABAY ng pag-release ng bagong EP na “PAGTATAG!,” ibinunyag ng P-pop boy group na SB19 na bumuo na sila ng sariling talent agency.

Tinawag nila itong “One Zone (1Z)” Entertainment at ‘yan ay ibinalita mismo ng grupo sa gitna ng media conference na naganap noong June 9.

Inamin ng grupo na sila na mismo ang nagma-manage ng sarili nilang karera sa music industry sa pamamagitan ng kanilang itinayong talent company.

Ayon pa sa leader at main rapper ng SB19 na si Pablo, hindi lang basta-basta ang kumpanya na kanilang itinatag dahil isa rin daw itong movement upang ipakita ang talentong Pinoy sa buong mundo.

“Para sa amin, movement na siya. So doon po talaga papasok ‘yung 1Z Entertainment,” sey ng leader ng SB19.

Baka Bet Mo: SB19 nilabas na ang bagong EP na ‘PAGTATAG!’, ano nga ba ang paborito nilang kanta?

Dagdag naman ng lead rapper at isa sa sub vocals na si Josh, “Ito pong 1Z, we built it not just for SB19, but for the whole P-pop or OPM industry. Kasi we wanted siyempre parang to challenge the industry, of course, the market.”

Naikuwento rin ni Josh na isa itong dream come true para sa kanilang grupo.

Chika niya, “Parang dream na namin siya and it’s one of our dreams to build our own company.”

Patuloy pa niya, “It all started with a crazy idea na during trainee days, we wanted na parang nagbibiruan kami na ‘balang araw gagawa tayo ng sariling company, our own phasing, our own management’.”

“Siyempre parang handpicked of people na pinagkakatiwalaan na namin,” ani pa ng P-pop star.

Bukod diyan, ipinaliwanag din nang mabuti ng sikat na Pinoy pop group ang inspirasyon sa likod ng pangalan ng “One Zone (1Z) Entertainment.”

Kwento ni Pablo, “So ‘yung zone po kasi is where all the artists gather, where in doon talaga nila mapapakita ang potential nila to the maximum level.”

“Kaya nag-create po kami ng 1Z, One Zone and for everyone to grow as one big tree, parang ganun po,” giit niya.

Sambit pa niya, “Alam kong kaya rin ng mga Pinoy na makipagsabayan sa international level e. Sa talento ng mga tao dito, wala kang maitatapon talaga, ginto ang lahat ng mga Pilipino.”

Bagamat may sariling talent agency na ang SB19, inamin nila na hindi pa sila handang tumanggap ng ibang Pinoy talents.

Gayunpaman, umaasa raw sila sa tamang panahon na magpapa-audition sila upang maging parte ng kanilang kumpanya.

“In the future, we might have our own artists na rin, we nurture other artists na rin,” pagbubunyag ni Stell.

Chika pa niya, “Sabi nga ni Pablo, may minamata na kami na parang pwedeng maging part ng 1Z family in the future.”

“And pagka nagkataon, ‘yung mga natutunan namin sa career namin, mga nalalaman namin, pwede naming i-impart sa kanila kung paano magiging performer of confidence sa sarili nila,” aniya pa.

Paliwanag pa ni Stell, “Ang tagline po ni 1Z is ‘to get you in the zone and break the dorm.’ So parang in the future, we’re planning a lot of things na po ahead na pwede namin gawin not only with SB19, but with other possible talents dito sa Pilipinas.”

Related Chika:

Read more...