INATAKE sa puso ang batikang showbiz broadcaster na si Mario Dumaual kaya naka-confine siya ngayon sa Intensive Care Unit (ICU) upang magpagaling.
Ang malungkot na balita ay inanunsyo mismo ng kanyang anak at ABS-CBN reporter na si Miguel Dumaual sa pamamagitan ng Facebook.
Kwento ni Miguel, noong Lunes pa nang isinugod nila sa ospital ang kanyang ama.
“Papa suffered a heart attack last Monday and remains under critical care today, three days on,” saad sa FB post.
Nabanggit din niya na bagamat naka-ICU ang ama ay nakakapag-send pa rin ito ng message sa kanilang kahit minsan.
Baka Bet Mo: Gardo Versoza na-discharge na sa ospital, dumiretso ng simbahan para magdasal
Kwento niya, “But he can now at least tell us, during the few times he’s given his phone while isolated, that he misses and wishes to be with us.”
“I’ve never treasured a message so much after what Papa went through and is still hurdling,” dagdag pa niya.
Inamin din ni Miguel na tila nagulantang sila sa nangyari kasi never pa raw nako-confine ang kanyang tatay sa ospital.
“Papa’s never once been confined in my 32 years, so this experience has been overwhelming,” chika niya.
Aniya pa, “But us family have kept each other anchored (love you Ma Cherie); our relatives too have been a solid source of strength (thank youCarl for helping align so much to save Papa’s life).”
Kasabay din niyan ay lubos na nagpasalamat ang TV reporter sa lahat ng mga nagpaabot ng suporta at dasal para sa seasoned showbiz broadcaster.
“The constant stream of messages and well wishes for Papa — from his friends in the industry and countless others he’s worked with or briefly encountered, and even kind strangers — they have been a heartwarming reminder of how loved he is,” lahad sa FB.
Panawagan pa ng pamilya, ipagpatuloy lang ang pagdarasal para sa paggaling ni Mario at umaasa sila na makakauwi na ito sa kanilang tahanan.
“Sorry that I haven’t been able to reply right away to most of the messages; we’re hoping to share better, more encouraging news as Papa recovers,” sey ni Miguel.
Ani pa niya, “For now please keep him in your prayers. We claim that in the coming days we’ll have more to be grateful for, including having him back home.”
Maraming netizens naman ang napa-comment at nagpahayag ng kanilang “well wishes” at dasal.
Narito ang ilan sa mga nabasa namin sa mga komento:
“Praying to God for fastest recovery of your Daddy Mario. God bless your Dad and your family.”
“Praying for your healing and recovery Mario. Get well soon.”
“Definitely praying for Mario everyday. Stay strong, Migs and family.”
Related Chika:
3 idol ni MJ Felipe: Boy Abunda, Mario Dumaual at Ogie Diaz