Romnick Sarmenta hindi inurungan sa kissing scene si Ice Seguerra: ‘Let’s do it!’

Romnick Sarmenta hindi inurungan sa kissing scene si Ice Seguerra: 'Let’s do it!'

Romnick Sarmenta at Ice Seguerra

IN FAIRNESS, napakarami ring natutunan ng award-winning actor na si Romnick Sarmenta sa mga nakatrabahong drag queen sa iWantTFC digital series na “Drag You & Me.”

In fairness, napakasuwerte ng 2023 kay Romnick dahil mula pa noong January ay sunud-sunod na ang kanyang proyekto sa telebisyon at pelikula.

Isa na nga riyan ang official entry niya sa 1st Summer Metro Manila Film Festival na “About Us But Not About Us” kung saan nanalo siya bilang best actor.

Ang latest, ka-join din siya sa kauna-unahang historical collaboration project ng ABS-CBN at GMA 7 na “Unbreak My Heart” na pinagbibidahan nina Joshua Garcia, Gabbi Garcia, Richard Yap at Jodi Sta. Maria.


Going back to “Drag You & Me”, puring-puri ng mga manonood si Romnick sa nasabing serye kung saan gumaganap siyang drag queen kasama sina Christian Bables, JC Alcantara at Andrea Brillantes.

Ang isa pa sa exciting part ay ang pagtatambal nila ni Ice Seguerra na gumaganap namang transman. Sila ang gumaganap na parents ni Andrea sa kuwento.

Baka Bet Mo: Ice Seguerra, Romnick Sarmenta gaganap na magdyowa sa ‘Drag You & Me’, game na game sa kissing scene

Hinding-hindi naman makakalimutan nina Romnick at Ice ang kanilang kissing scene sa “Drag You & Me” na kabilang sa mga pasabog na eksena na kanilang ginawa.

Kumusta naman ang naging karanasan niya pagganap bilang drag queen, “It’s a fun experience, and it’s a fun experience to portray a drag queen and meet real drag queens like Brigiding, Silouhette, Vinia, they are a pleasant people.

“I learned so much from them not being a drag but their personality,” pahayag ni Romnick.


Ano naman ang naging reaksyon ni Romnick nang malaman niyang may  kissing scene nila ni Ice sa serye?

“About the kissing scene with Ice, I found out that day na may kissing scene kami, kasi ‘di nga ako nagbabasa ng script.

“Hindi naman nag-inarte si Ice that time, at saka the way it was treated naman, essential sa mag-asawa na ginagawa naman nila talaga.

“It is not treated as sensual. Sabi ko na lang din, sige let’s do it, wala namang naging problema sa akin ‘yung kissing scene na ‘yun,” paliwanag pa ni Romnick.

Romnick Sarmenta sa pagtanggap ng gay role sa ‘About Us but Not About Us’: I realized how good the piece was

Romnick nasasaktan para sa kapwa-artistang binabastos sa socmed: ‘Ang dali sa inyong manghusga ng mga tao sa trabahong ‘to’

Read more...