NAGSALITA na ang Chief Finance Officer ng TAPE Inc. na si Mayor Bullet Jalosjos ukol sa paglipat ng TVJ at ng iba pang mga hosts ng “Eat Bulaga” sa TV5.
Sa kanyang panayam kay Pinky Webb sa programang “The Source” ng CNN ngayont araw, June 7, ibinahagi niyang magbibigay suporta siya sa mga ito sa bago nilang tahanan.
“I’m happy that meron na po silang bahay. I’d like to congratulate them for putting up the show this early sa TV5. And manonood po ako, sususporta po ako sa show nila,” saad ni Mayor Bullet.
Biro pa nga ni Pinky, dalawa raw ba ang papanoorin nito sakaling parehas ang maging oras ng mga programa na ikinatawa naman nila pareho.
Matapos ang saglit na biruan ay natanong naman si Mayor Bullet kung sa tingin ba niya ay maaapektuhan ang financial viability ng kasalukuyang “Eat Bulaga”.
“That may be true, Miss Pinky but it is what it is. Wala po kaming magawa. As for now we’re gonna have to take it and stride and work with what we have.
“We are very happy… to have mounted a show within 5 days despite everything that has happened since May 31,” pagbabahagi ni Mayor Bullet.
Matatandaang noong May 31 ay binigla nina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon ang publiko matapos nitong ianunsyo ang kanilang pagbibitiw sa TAPE Inc. na sinundan rin ng iba pang hosts ng naturang longest-running noontime show.
Baka Bet Mo: CONFIRMED: Tito, Vic & Joey, iba pang original Dabarkads nasa TV5 na, ipaglalaban na magamit pa rin ang ‘Eat Bulaga’
Aminado si Mayor Bullet na naging mahirap para sa kanila ang mga nangyari sa mga nakalipas na araw pero masaya sila na nalagpasan nila ito at naibalik ang programa nitong Lunes, June 5.
Nang matanong naman ang TAPE Inc executive kung sa tingin nito ay threat ang bagong show na ilalabas ng TVJ sa TV5, diretso naman ang naging sagot nito.
“Not really because basically we are not trying to compare. I wanted to clarify yung nasabi kanina na baka there’s mixed reactions from the public regarding the josts of TVJ and our new hosts, wala po dapat comparison,” sey ni Mayor Bullet.
Pagpapatuloy pa niya, “We never intended to compare TVJ and our new hosts kaya pag nakikita n’yo wala po talagang resemblance amg aming hosts sa kanila. TVJ will always be TVJ. We will never and we can never compete with them.”
Related Chika:
TVJ may pasabog na announcement sa June 7, hirit ni Tito Sen: ‘Baka first week ng July we would be able to air’