3 sama ng panahon binabantayan, LPA ‘nagtatangkang’ pumasok ng bansa –PAGASA

3 sama ng panahon binabantayan, LPA ‘nagtatangkang’ pumasok ng bansa –PAGASA

PHOTO: Facebook/Dost_pagasa

UNTI-UNTI na nating nararamdaman ang rainy season o panahon ng tag-ulan.

Ibinalita pa nga ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na tatlong sama ng panahon ang kasalukuyan nilang binabantayan.

Ito raw ang Southwest Monsoon o Hanging Habagat, Isang Low Pressure Area (LPA) sa labas ng Luzon at isang cloud cluster na inaasahang magiging isang LPA rin.

Ayon sa PAGASA, ang nagpapaulan sa malaking bahagi ng ating bansa ay ang Habagat, habang may kaunting epekto ang dalawa pang sama ng panahon.

“Southwest Monsoon o Hanging Habagat pa rin ang nakakaaapekto, partikular na sa kanlurang bahagi ng Central at Southern Luzon,” sey ni Weather Specialist Obet Badrina sa isang press briefing ngayong June 5.

Baka Bet Mo: Panahon ng tag-ulan sa bansa opisyal nang idineklara ng PAGASA

Nabanggit din ni Badrina ang LPA sa labas ng bansa at ayon sa kanya, “Sa ngayon naman, mukhang maliit ang tiyansa na ito ay pumasok pa ng ating Philippine Area of Responsibility, pero patuloy pa rin itong imo-monitor.”

Samanatala, nagbabala ang PAGASA tungkol sa tinatawag na “Clous Clusters” na inaasahang magiging isang LPA at posibleng pumasok sa ating teritoryo ngayong araw o bukas.

“Ito po ay mas ine-expect natin na maaaring maging Low Pressure Area at pumasok ng Philippine Area of Responsibility,” sambit ng weather specialist.

Dagdag pa niya, “Patuloy natin itong imo-monitor, posible po kasi ngayong araw o bukas, ito ay maging ganap na Low Pressure Area itong cloud clusters na ating binabantayan.”

Base sa weather bulletin ng PAGASA, ang Habagat pa rin ang nagpapaulan sa maraming lugar ng ating bansa.

Asahan ang kalat-kalat na pag-ulan sa Western Visayas, Zamboanga Peninsula, at Palawan.

Uulanin din ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng ating bansa.

Read more...