Kim sa pressure ng pagbuo ng sariling pamilya: ‘Mas kabahan ka kapag nabuntis at di pa ikinasal, matakot tayo nu’n!’
By: Ervin Santiago
- 1 year ago
Xian Lim at Kim Chiu
PALAGING natatanong ang celebrity couple na sina Kim Chiu at Xian Lim kung kailan nila balak magpakasal at bumuo ng sariling pamilya.
Mahigit 10 taon na ring magkarelasyon ang dalawa kaya abangers na ang kanilang mga fans and supporters sa pag-level up ng kanilang solid na solid na relationship.
In fairness, umaasa at nagdarasal naman daw sina Kim at Xian na sila na nga ang magsasama hanggang sa ending at naniniwala sila na sa kasalan din mauuwi ang 10 taon nilang pagiging magdyowa.
Sa pakikipagchikahan ni Kim sa ilang members ng entertainment media sa ginanap na presscon para sa bago niyang endorsement, ang Sisters sanitary napkin, muling napag-usapan ang tungkol sa pagbuo ng sariling pamilya.
Tanong sa Kapamilya actress at TV host kung hindi pa ba niya napi-feel na magkaroon na asawa’t anak tulad ng mga showbiz couples na kasabayan nila ni Xian.
“Mas kabahan ka kapag nabuntis at di pa ikinasal, matakot tayo nu’n!” ang natatawang biro ni Kim. Ngunit bigla siyang sumeryoso sabay dialogue ng, “Kung kailan? Depende, depende, basta happy kami.”
Samantala, abot-langit din ang pasasalamat ni Kim sa mabilis na paggaling ng nakatatanda niyang kapatid na si Lakam Chiu na ilang araw na na-confine sa ICU dahil sa kanyang karamdaman.
Mismong si Lakam ang nagsabi na nawalan siya ng pandinig, hindi siya makapagsalita at hindi makakita dahil sa virus na tumama sa kanya.
“Matindi talaga. Kaya very thankful ako (na maayos na ang kapatid). Wala, ang Panginoon ang nag-ano ng lahat. Di ko rin alam ang sagot basta very happy lang. Sobrang okay na siya.
“Malaki ang isinakripisyo ng Ate ko para sa akin, kaya sasamahan ko siya hanggang sa pagtanda niya,” sabi ng dalaga.
Inamin naman ng aktres na tulad ng ibang magkakapatid, may mga pagkakataong nagkakaroon din sila ng hindi pagkakaunawaan, pero aniya, napag-uusapan at naaayos naman daw agad.
“Hindi maiiwasan yun, pero dapat mag-compromise na lang. Kung mainit ang isa, layo ka muna. Balik ka na lang uli pag malamig na.
“Don’t fight fire with fire kasi mag-aaway-away kayo. Parang dyowa lang naman din ang mga kapatid natin. Mas matimbang lang,” paliwanag ng girlfriend ni Xian.
Kasunod niyo, todo pasasalamat din ang Kapamilya star dahil nakatagpo siya na mga totoong kaibigan sa showbiz na itinuturing na niyang mga tunay na kapatid.
“Mahirap naman talagang makahanap ng kaibigan sa showbiz. Busy yung schedule, di nagkikita-kita. Tapos, nandito kami sa mundo na we’re very hungry on what we are doing, so minsan di maiiwasan ang inggitan, ganyan.
“Pero masarap lang kapag nakakita ka ng kaibigan na kapag nagkita kayo, parang kahapon lang kayo huling nagkita.
“Nagtatawanan, nagse-share ng mga secrets and hindi naman lingid yun na sila Bela (Padilla), Angelica (Panganiban) yung mga tinatakbuhan ko talaga na mga kaibigan ko, nasasabihan ko ng mga problema ko,” chika pa ni Kim.
At sa tanong kung tinraydor na ba siya ng mga taong itinuring niyang kaibigan, “Yung mga nagtraydor na kaibigan, matagal na yun.
“Luma na yun, parang di niyo naman alam yun. Pero tama na, magkaibigan na kami.
“Saka maikli lang, mabilis ang buhay lalo na nung nagka-pandemic, mas nare-realize mo na mas mag-dwell ka na lang sa mga bagay na nagma-matter sa iyo…
“Kasi di mo alam today, next week or next month kung saan ka na mapupunta or kung ano na ang health condition mo. Alagaan na lang natin ang health natin at ang pagiging happy is also part of of healthy lifestyle,” paalala pa ni Kim Chiu.