Ex-PBB housemate Ella Cayabyab ipinakilala na ang anak sa publiko: Meet the beautiful little girl who completes my heart!

Ex-PBB housemate Ella Cayabyab ipinakilala na ang anak sa publiko: Meet the beautiful little girl who completes my heart!

PHOTO: Instagram/@ellacayabyab

LAKAS-LOOB nang ipinakilala ng dating Pinoy Big Brother housemate na si Ella Cayabyab ang kanyang anak sa madalang pipol.

Sa Instagram, ibinandera ni Ella ang isang video na ipinapakita ang kanyang pregnancy journey hanggang sa isilang ang kanyang anak na babae.

“To the one who made me a mom: Ellaina,” panimula niya sa kanyang IG caption.

Lahad pa niya, “It is hard to believe that today is the most special day because I am ready to finally introduce you to the world.”

“To be honest, kinakabahan ako ngayon dahil hindi ko alam kung saan ako magsisimula,” chika niya.

Dagdag pa niya, “Alam mo anak, the world deserves to see you because you light up every room and you are such a wonderful gift in our life; kaya hindi ako makapaniwala, even until now, that you are mine.”

Proud ding sinabi ni Ella na ang kanyang anak ang naging dahilan kaya siya nagbago at ito raw ay pinasasalamatan niya sa Diyos.

“You changed me in more ways than you’ll ever know. That’s why I always thank God dahil binigay ka niya sa akin and I feel so blessed to be able experience motherhood,” sey niya sa post.

Baka Bet Mo: Ella Cruz ayaw sumabak sa sexy movies ng Vivamax: Ay, ibang level yun! Nakakaloka, hindi ko kaya!

Aniya pa, “Iba yung feeling e, hindi ko siya ma-explain basta ang alam ko pinakadabest feeling ever!”

“One day, when the time comes you’ll understand everything I meant. For my baby girl, you deserve all the love & genuine happiness in the world. your daddy & I love you, always [heart emoji],” saad pa ni Ella.

Napa-comment naman ang ilang celebrities at personalities sa kanyang post.

“So proud of you!!! love you both pls!!! see you soon baby [heart hands emoji],” comment ng internet star na si Mika Pajares.

Sey ng Filipino-Italian singer at model na si Shanaia Gomez, “Omg!! Congrats beautiful [red heart emoji] your daughter is gorgeous!!!”

Ayon naman sa aktres na si Quincy Villanueva, “She’s adorable!!!! [face holding back tears emoji] congrats, ella! [white heart emoji].”

Taong 2020 nang sumali sa “PBB:Connect” si Ella na kung saan ang nagwagi sa season na ‘yan ay si Liofer Pinatacan.

Related Chika:

Bea todo kilig sa ‘extraordinary project’ nila ni Ryan Cayabyab, mag-ala singer na rin kaya?

Read more...